• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pinayuhan ang publiko na mag-ingat kahit pa humina ang bagyong ‘Agaton’

PINAYUHAN ng Malakanyang ang publiko na mag-ingat kahit pa humina na ang bagyong “Agaton” (international name Megi) at naging tropical depression na lamang.

 

 

Partikular na pinaalalahanan ng Malakanyang na mag-ingat ang mga residente sa mga apektadong lugar.

 

 

“Muli kaming nananawagan sa publiko, lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo, na magsagawa ng kinakailangan precautionary measures. Magbasa at manood ng pinakabagong weather advisories at bulletins,” ayon kay Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin Andanar.

 

 

Ipinag-utos din ng Malakanyang ang publiko na makipag-ugnayan sa mga opisyal at ahensiya para sa posibleng rescue operations.

 

 

Tiniyak naman nito na masusing naka-monitor ang executive branch sa itinatakbo ng tropical depression at maging ang pagsisikap ng mga ahensiya na tugunan ang weather disturbance.

 

 

“Government’s hands are on deck to assist affected residents,” ayon kay Andanar.

 

 

Sa kasalukuyan, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nakikipag-ugnayan na sa disaster councils ng mga apektadong lugar para suportahan ang relief activities.

 

 

“As of 8 a.m. Monday,” mayroong 201 apektadong barangay na may 3,717 displaced families ang nasa loob ng 71 evacuation centers sa Region 6, Region 7, Region 8, Region 10, Region 11, Region 12, Caraga at BARMM.

 

 

May kabuuang 15 lungsod/ munisipalidad ang nakaranas naman ng power interruption/shortage, kung saan ang power supply sa apat na lungsod/ munisipalidad ay na-restore na o naibalik na ang suplay ng kuryente.

 

 

Sa ‘8 a.m. bulletin,’ sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na si Agaton ay namataan sa coastal waters ng Tanauan, Leyte.

 

 

“Agaton” now packs maximum sustained winds of 55 kilometers per hour near the center, and gustiness of up to 75 kph. It is slowly moving north northwest,” ayon sa ulat.

 

 

Binawi naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 sa mga lugar na unang naapektuhan ng nasabing bagyo.

 

 

Samantala, itinaas ang TCWS No. 1 sa katimugang bahagi ng Masbate (Dimasalang, Palanas, Cataingan, Pio V. Corpuz, Esperanza, Placer, Cawayan); Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang-silangang bahagi Cebu (Daanbantayan, San Remigio, Medellin, City of Bogo, Tabogon, Borbon, Sogod, Catmon, Carmen, Danao City, Compostela, Liloan) kabilang na ang Camotes Island, at silangangang bahagi ng Bohol (Getafe, Talibon, Bien Unido, Trinidad, Ubay, San Miguel, Pres. Carlos P. Garcia, Mabini); Surigao del Norte at Dinagat Islands. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Binash dahil nag-react din sa viral statement ni Ella: GISELLE, tinawag na ‘tanga’ ang mga nag-discredit sa People Power experience niya

    NAG-REACT din pala ang host/actress na si Giselle Tongi sa viral and controversial statement ni Ella Cruz na “History is like tsismis”.     Si Ella nga ang gumaganap bilang Irene Marcos sa pelikulang “Maid in Malañanang” ni Darryl Yap para sa Viva Films na ipalalabas this month na kung saan tungkol ito sa last […]

  • Maharlika Investment Fund bill nais pasertipikahang ‘urgent’ kay PBBM

    NAIS  ni House ­Speaker Martin Romualdez na sertipikahang urgent ni ­Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isinusulong na Maharlika Investment Fund (MIF) bill.     Ayon kay Romualdez, kung siya ang tatanungin ay mas mainam na masertipikahang urgent ang MIF upang agad rin itong mapagtibay sa Kongreso.     Inihayag ni Romualdez na patuloy na dumarami […]

  • League of Provinces umaapela sa IATF na iurong sa Nov. 1 ang pagsisimula ng Alert Level System

    Kung ang League of Provinces of the Philippines ang tatanungin, mas gusto nilang ilipat sa Nobyembre 1 ang expansion ng Alert Level System sa labas ng Metro Manila. – Ayon sa kanilang presidente na si Marinduque Governor Presbitero Velasco Jr. kailangan pa ng mga local governments ng sapat na panahon para bumalangkas ng executive orders, […]