• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Easter ceasefire’ sa Ukraine panawagan ni Pope Francis

NANAWAGAN si Pope Francis ngayong Linggo para sa isang Easter ceasefire sa Ukraine para mabigyan daan ang inaasam na kapayapaan sa pamamagitan nang tinawag niyang “real negotiation.”

 

 

“Let the Easter truce begin. But not to provide more weapons and pick up the combat again — no! — a truce that will lead to peace, through real negotiation,” ani Pope Francis sa isang misa sa Saint Peter’s Square.

 

 

Mariing tinutulan ni Pope Francis ang giyera, na siyang dahilan nang pagdurusa ng mga “defensless civilians” sa pamamagitan ng “henious massacres” at “atrocious cruelty” na bunga nito.

 

 

Nauna nang kinondena ni Pope Francis ang pag-target sa mga sibilyan sa Ukraine.

 

 

Tinawag pa niya ang pagkakatuklas sa mga bangkay sa Bucha malapi sa Kyiv bilang “massacre.”

 

 

Nagpahayag na rin siya ng kanyang kahandaan para makapag-ambag sa pagpapatigil sa giyera sa Ukraine.

 

 

Sinabi pa niya na handa siyang bumiyahe sa Kyiv.

Other News
  • P3-M bagong logo ng PAGCOR inulan ng batikos

    INULAN  ng batikos ang itsura ng bagong labas na logo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sa ika-40 anibersaryo nito — bagay na nagkakahalaga ng P3.03 milyon ayon mismo sa gobyerno.     Martes nang ibunyag sa publiko ang naturang logo sa Marriott Hotel Manila, na siyang dinaluhan pa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First […]

  • Na-stun ni Carlo Paalam ang top seed para makakuha ng ginto sa Asian Elite boxing

    MULI ang OLYMPIAN na si Carlo Paalam para sa Pilipinas, na nasungkit ang ginto sa men’s 54 kg class ng ASBC Asian Elite Men and Women’s Boxing Championships na nagtapos noong Sabado sa Amman, Jordan.   Ang Tokyo Olympics silver medalist ay pinalo ng split decision laban sa top seed na si Makhmud Sabyrkhan ng […]

  • Magbibitiw sa puwesto dahil nagsasawa ng labanan at tuldukan ang korapsyon sa burukrasya

    INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagpahayag siya na gusto na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa pagkadismaya at pagkabigo dahil sa hirap na maalis ang korapsyon sa gobyerno.   Sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na nakararanas siya ng matinding hirap para labanan ang korapsyon sa burukrasya. Aniya, […]