• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Magbibitiw sa puwesto dahil nagsasawa ng labanan at tuldukan ang korapsyon sa burukrasya

INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagpahayag siya na gusto na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa pagkadismaya at pagkabigo dahil sa hirap na maalis ang korapsyon sa gobyerno.

 

Sa kanyang public address, Lunes ng gabi ay inamin ng Pangulo na nakararanas siya ng matinding hirap para labanan ang korapsyon sa burukrasya. Aniya, walang katapusan ang korapsyon.

 

“Ewan ko kung sabihin ko ito sa inyo — I offered to resign as President. Pinatawag ko ‘yung lahat ng… Sabi ko na I have — kasi nagsasawa na ako ,” ayon sa Pangulo.

 

“Talagang wala ng katapusan itong corruption. Mahirap talaga pigilin,” dagdag na pahayag nito.

 

Tinukoy ng Chief Executive ang nagaganap na di umano’y “pastillas” bribery sa Bureau of Immigration sa kabila ng nagpapatuloy na imbestigasyon dito.

 

“Maski ‘yang mga pastillas, hanggang ngayon. Even with the investigation or the clamor for government to be — I said to shake the tree, wala. Sige hanggang ngayon, it’s being committed everyday,” anito.

 

Si Duterte, isang dating Davao City mayor at prosecutor, ay nagpahayag at umamin na napakahirap tuldukan ang korapsyon sa pamahalaan.

 

“Now, can you stop it? You cannot. There is no way,” ayon sa Pangulo, inalala niya ang kanyang naging karanasan sa paglilitis sa corruption cases.

 

Giit nito, ang land registration office ang notorious para sa di umano’y corrupt practices.

 

“You are really notorious even in the provinces of — sometimes the employees run to that mill of the grid of bureaucracy.

 

Mag-imbento ng mga peke na dokumento. Marami diyan. I prosecuted about seven itong p***** i**** Land Registration,” diing pahayag ng Pangulo.

 

Taong 2018 nang magsabi na rin ang Pangulo na nais niyang bumaba sa puwesto.

 

Inamin nito na pagod na siya sa paglaban sa korapsyon sa pamahalaan.

 

Duda na aniya siya kung maaalis pa niya ang “endemic corruption” sa burukrasya. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • RABIYA, nangangalampag na sa pageant fans na iboto para sure na sa Top 21 ng ‘69th Miss Universe’

    NANGANGALAMPAG si Miss Univese Philippines Rabiya Mateo sa maraming pageant fans na bigyan siya ng boto para makasama siya sa Top 21 ng Miss Universe beauty pageant.     Post ni Rabiya sa Instagram: “Be your own legend. Build your own empire. Please vote for me and help me get into the top 21 of […]

  • P1.5 milyon droga, baril nasabat ng CIDG sa buy bust sa Caloocan, 2 tiklo

    NASA P1.5 milyong halaga ng illegal na droga at baril ang nasamsam ng pulisya sa dalawang lalaki na naaresto sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega, Oplan Big Bertha at Oplan Salikop sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Nakilala ang mga nadakip na sina Emmanuel Joseph Bendal, 31 ng Blk 13 Lot 39 Belmont Park. […]

  • Bigyan ng break ang ilang mga frontliners

    IREREKOMENDA ni Chief Implementer Carlito Galvez kay One Hospital Command Head DOH Undersecretary Leopoldo Vega na mabigyan ng bakasyon ang ilang mga frontliners.   Ang hakbang ay bunsod na rin ng hirit ni Presidential Spokes- man Harry Roque sa gitna ng gumagandang estado o utilization rate ng mga health facilities na nasa singkuwenta porsiyento na […]