• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bishop bida sa pagtakas sa Gin Kings Bolts inangkin ang game 3

NIRESBAKAN ng Meralco ang nagdedepensang Ba­rangay Ginebra para aga­win ang 83-74 panalo sa Game Three ng PBA Go­ver­nors’ Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

 

 

Rumatsada si import Tony Bishop sa kanyang ti­napos na 30 points at 17 rebounds para ibigay sa Bolts ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series ng Gin Kings.

 

 

Maaaring makalapit ang Meralco sa inaasam na kauna-unahang PBA crown kung muling tata­lu­nin ang Ginebra sa Game Four sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

“Both teams played real­ly good defense tonight. You can tell it by the score,” sa­bi ni Bolts’ head coach Nor­man Black na nakahugot kay Chris Newsome ng 20 markers, 11 rebounds at 6 assists.

 

 

Binanderahan ni import Justin Brownlee ang Gin Kings sa kanyang 19 ponts, 15 rebounds at 7 assists, habang may 17 at tig-11 mar­kers sina Christian Stand­hardinger, LA Tenorio at Scottie Thompson, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Kinuha ng ng Ginebra ang 13-point lead, 43-30, mula sa fastbreak lay-up ni Thompson sa 5:27 minuto ng second quarter.

 

 

Naagaw naman ng Me­ralco ang 54-53 benta­he mula sa dalawang free throws ni Bishop matapos ang flagrant foul ni Stanhar­dinger sa 6:38 minuto ng third canto.

 

 

Nagtuwang sina Bi­shop, Newsome at Allein Ma­liksi sa fourth period para sa 81-74 paglayo ng Bolts sa huling 3:13 minuto.

 

 

Ilang beses nagtangka ang Gin Kings na makala­pit sa pamamagitan ni Brownlee.

 

 

Ngunit mas matibay ang determinasyon ng Me­ralco na makuha ang ben­tahe sa serye.

 

 

Nagmula ang Ginebra sa 99-93 panalo sa Game Three.

Other News
  • Duque kumasa kay Pacquiao sa alegasyon ng korapsyon

    Kumasa si Health Secretary Francisco Duque III sa hamon na imbestigasyon ni Sen. Manny Pacquiao kaugnay sa umano’y korap­syon sa DOH.     Ayon kay Duque handa siyang ipakita sa senador kung saan nila ginastos ang pondo ng ahensiya ngayong pandemic.     “While we are disheartened by these baseless accusations from our government officials, […]

  • Chulani malaking kawalan para sa cycling – Tolentino

    PINAGLUKSA ng komunidad ng cycling ang pagkamatay sa atake sa puso nitong Linggo, Enero 10 ni Ronda Pilipinas chairman Moe Chulani sa batam-batang edad lang na 45 taong-gulang.   Nanguna ang bagong muling nahalal na pangulo ng Integrated Cycling Federation of the Philippines o PhilCycling (ICFP)) na si Abraham Tolentino, sa mga nakiramay sa mga […]

  • Pagpapaliban ng Brgy., SK polls sa Disyembre 2023, aprub sa House

    INAPRUBAHAN  ng House committee on suffrage and electoral reforms ang mosyon na ipagpaliban ang halalan para sa barangay at Sangguniang Kabataan na nakatakdang gawin ngayong Disyembre 5, 2022.     Sa pagdinig ng komite, isinuwestiyon ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. na magkaroon muna ng consensus kung ipagpapaliban o hindi ang nalalapit na halalan bago […]