• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

After nang nagawang dramatic scenes at pagpapa-sexy: CINDY, masaya dahil natupad ang wish na makapag-action sa 10-part series na ‘Iskandalo’

MASAYA ang former beauty queen na si Cindy Miranda dahil sa 10-part Vivamax Original series na Iskandalo natupad ang isa sa pangarap na niya na makapag-action.

 

 

Napatunayan niya na kayang maitawid nang maayos ang mga dramatic scenes bukod pa sa ginawa niyang pagpapa-sexy.

 

 

Gumaganap kasi si Cindy na isang lady cop na mag-iimbestiga sa pagkamatay ng isang sikat na artista na masasangkot sa isang viral sex scandal na gagampanan naman ni AJ Raval at dito magsisimula ang kuwento ng Iskandalo.

 

 

Siya ba’y nagpakamatay sa hiya? Foul play ba? Kung foul play, sino ang pumatay sa kanya?

 

 

Madidiskubre ng karakter ni Cindy na mas malalim ang dahilan ng krimen at ng sex scandal na kung saan sangkot ang matataas na tao sa lipunan.

 

 

Ito na ang pinakamainit na scandal na hindi bawal dahil nagsama-sama na ang lima sa pinaka-pinagpapantasyahang VIVAMAX Crushes sa isang bago at kakaibang series sa Vivamax.  Pinangungunahan nga ito nina Cindy (Adan, House Tour, Reroute), AJ (Death of a Girlfriend, Taya, Hugas), Ayanna Misola (Pornstar 2; Kinsenas, Katapusan), Angela Morena (X-Deal 2at baguhang si Andrea Garcia. Dadagdag din sa init ang dating FHM cover girl na si Jamilla Obispo. 

 

 

Mula ito sa maangas na direktor na si Roman Perez, Jr. na may gawa ng mga pinag-usapang Taya, House Tour, Hugas at Siklo.

 

 

Samantala, inamin din ng former beauty queen na naapektuhan siya sa mga love scenes na nagawa niya para Vivamax.

 

 

“Tao lang naman tayo saka being talaga ako as an actress. Talagang iniisip ko na nasa sitwasyon ako na ako talaga yung karakter,” sabi ni Cindy.

 

 

Honestly, naaapektuhan ako, but we need to be professional, ‘yun ang palagi kong sinasabi ko sa sarili ko. We need to realize na after that scene, hindi na tayo yung karakter na yun.

 

 

  Sinabi rin ni Cindy sa respeto sa co-actors ang pagiging malinis sa katawan, mag-toothbrush o mag-mouthwash at ma-shower para fresh lalo na kung may intimate scenes.

 

 

Nagpapasalamat na si Cindy sa Viva dahil malilinis at mababango ang kanyang mga naging leading man, bukod pa sa guwapo at magaganda ang katawan.

 

 

“Lahat nagpapabango. Ang bango-bango nga po masyado.

 

 

“Makikita mo nga, nagma-mouthwash pa sa harap mo, parang they want you to know, ‘Hey, nag-mouthwash ako!’

 

 

“Pero ang worse lang, marami po ang weird pero wala akong mabahong nakaeksena ever.

 

 

“I think suwerte po ako na ang Viva they make sure naman na kapag may kapartner ka, alam nila ang dapat gawin.”

 

 

Ang Iskandalo ay Vivamax Original series na mapapanood tuwing Linggo, na nagsimula na noong April 10.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • 5 nalambat sa P241K droga sa Malabon

    Limang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Malabon City.     Sa ulat, alas-3:30 ng hapon nang masagawa ng buy bust operation NPD District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pangunguna ni PLTCOL Macario Loteyro at PMAJ Jerry Garces sa […]

  • 28 PWDs BINIYAYAAN NG HEARING AID SA VALENZUELA

    PINAGKALOOBAN ng Public Employment Service Office (PESO) at Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Valenzuela City ang 28 Persons with Disabilities (PWDs) ng hearing aid sa Valenzuela City Hall.   Sa pakikipagtulungan ng Humanity & Inclusion (HI), ang mga benepisyaryong hirap makarinig ay sumailalim muna sa serye ng ng pagsusuri sa Hear Sound Health […]

  • Sinampahan ng kaso ni Sandro, may apela sa publiko: NIÑO, humihingi ng dasal at nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta

    MATAPOS na isiwalat ng GMA sa kanilang official statement na pormal nang nagsampa ng reklamo si Sandro Muhlach są network laban kina Jojo Nones at Richard Cruz na hindi na idinetalye ang nilalaman nito, ay pinarating ang abogado ng daalwang independent contractors.       Ayon kay Atty. Garduque, na iniulat ng “24 Oras” noong […]