• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panalo ni BBM tiniyak ng political families

NAGSANIB-puwersa ang mga kinikilalang political families sa lalawigan ng Leyte upang tiyakin ang panalo ni presidential bet Ferdinand “Bong Bong” Marcos, Jr. at ng UniTeam Alliance sa darating na halalan sa Mayo.

 

 

Sa pagbisita ng UniTeam sa Ormoc City noong Sabado, nagkaisa ang maiimpluwensyang angkan na ibuhos ang suporta kay Marcos na tinaguriang “anak ng Leyte.” Ang pamilya ng ina ni Marcos na si dating unang ginang Imelda Marcos ay tubong Tacloban, Leyte.

 

 

Sa kabila ng masamang lagay ng panahon, tumulak ang UniTeam sa Ormoc upang makipag-pulong sa halos 500 local leaders na pinangungunahan ng pamilya Larrazabal, Codilla, Aviles, Fiel, Aparis, Mendoza, Pepito, Santiago, Tugunon at Chu. Bukod sa kanyang mensahe ng pagkakaisa, nagpasalamat si Marcos sa pagbuhos ng suporta ng mga Leyteño.

 

 

Ayon kay dating Comelec Commissioner Gregorio “Goyo” Larrazabal, kandidato pagka-kongresista sa ika-apat na distrito ng Leyte, buo ang kanilang suporta kay Marcos. “Itinuturing namin siyang kapamilya dahil tunay siyang anak ng Leyte,” diin niya.

 

 

Ani Larrazabal, nagdesisyon siyang sumabak sa pulitika upang isulong ang pagbabago at mga adbokasiya sa kanyang distrito. Kasama niyang tumatakbo bilang mayor ng Ormoc City si dating mayor Edward “Ondo” Codilla. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • Navotas nag-uwi ng maraming awards, recognitions

    NAG-UWI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kamakailan ng maraming awards at recognitions kamakailan mula sa Department of Health (DOH) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).     “These awards and recognitions should inspire us more to always improve and upgrade the quality of our services,” ani Mayor John Rey Tiangco.     Sa […]

  • Tyson lalabanan muli si Lewis

    Inanunsiyo ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na kaniyang lalabanan ang dati ring kampeon na si Lennox Lewis.     Sinabi nito na gaganapin ang laban ng dalawa sa Los Angeles sa buwan ng Setyembre.     Paglilinaw din nito, hindi na matutuloy ang nilulutong muling paghaharap niya kay Evander Holyfield.     Mas […]

  • NAG-EXPIRED NA MGA US PASSPORT, PAPAYAGANG MAKA-ALIS NG BANSA

    INANUNSIYO ng  Bureau of Immigration (BI) na ang isang  American citizens na narito ngayon sa bansa subalit expired na ang kanilang pasaporte bago o pagkatapos ng January 1, 2020 ay maaari ng makalabas ng bansa gamit ang kanilang expired passport.       Sa memorandum na inisyu ni Immigration Commissioner Jaime Morente, nagbigay ito ng […]