Tyson lalabanan muli si Lewis
- Published on May 1, 2021
- by @peoplesbalita
Inanunsiyo ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na kaniyang lalabanan ang dati ring kampeon na si Lennox Lewis.
Sinabi nito na gaganapin ang laban ng dalawa sa Los Angeles sa buwan ng Setyembre.
Paglilinaw din nito, hindi na matutuloy ang nilulutong muling paghaharap niya kay Evander Holyfield.
Mas bata ng isang taon si Tyson kay Lennox na edad 55.
Magugunitang nagharap ang dalawa noong June 2002 nang patumbahin ni Lewis si Tyson sa ikawalong round.
Kung maalala ilan sa mga tinalo ni Lewis ay sina Vitali Klitschko, Holyfield, Shannon Briggs, Ray Mercer, Frank Bruno at Tyson.
Mayroong record si Lewis na 41 panalo, dalawang talo at isang draw, habang si Tyson ay mayroong 50 panalo at anim na talo.
-
South Korea nagsimula ng mamahagi ng mga Paxlovid
SISIMULAN na ng South Korea ang pagbibigay antiviral pill na gawa ng kumpanyang Pfizer para sa mga pasyente na dinapuan ng COVID-19. Mayroong 630,000 pill ang ipapamahagi na sapat lamang sa 21,000 katao. Ang nasabing mga gamot ay ibinahagi sa nasa 280 na botika at 90 na residential treatment […]
-
Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas tumuntong na lagpas 2.6 milyon
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,748 bagong infection ng coronavirus disease, Lunes, kung kaya’t nasa 2.6 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 2,604,040 nagpapagaling pa: 106,160, […]
-
LTO maglalabas ng dagdag na SCO; nagbabala sa mga motorista na panatilihin ang disiplina sa pagbabalik mula sa bakasyon
NAGHAHANDA ang LTO sa karagdagang SCOs sa mga pasaway na motorista matapos ang Semana Santa. Ayon kay LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II, mahigpit na paalala ito sa mga motorista. Ilan sa mga pinatawag ay sangkot sa mga viral aksidente gaya ng sa Antipolo, Marilaque Road, Commonwealth at NLEX. Pinaigting din ang cyber-patrolling ng LTO […]