“SUSUKA pero hindi SUSUKO”
- Published on April 19, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI inalintana ng mga youth volunteers ni presidential candidate Manila Mayor Francisco “ISKO” Domagoso na lulan ng “Bus ni Isko” ang bagyo at sama ng panahon matapos nilang suungin ito patungo ng Dapitan , Zamboanga del Norte noong nakaraang araw ng Martes ng buong tapang.
Ayon Kay Ces Bayan , ng grupong Ama ni ISKO, at team leader ng Visayas -Mindano Bus ni Isko, naging challenging ang biyahe patawid ng dagat ng Dapitan City sa pamamagitan ng RoRo dahil sa sama ng panahon.
Sa kabila nito, hindi sumuko ang naturang mga youth volunteers ng 47 anyos na Alkalde ng Maynila upang ituloy ang kanilang kampanya sa nasabing lugar.
“Laban lang po, walang susuko” ayon pa kay Bayan.
“SUSUKA pero hindi SUSUKO”, aniya. Ito ay matapos na makaranas ng pagkahilo at pagsusuka ang ilang kapwa kabataan habang sakay ng RoRo ang kanilang grupo patungo ng Dapitan City.
Nauna rito, nanggaling ng Dumaguete City ang mga kabataan kung saan namahagi ng T-shirts , stickers, apron, at iba pang campaign materials upang kumbinsihin pa ang ilang kabataan na mag SWITCH to ISKO na.
Sa kabila nang malakas na buhos ng ulan na naging dahilan ng pagkaantalang biyahe ng naturang grupo, sinuong pa rin nila ito upang makarating ng Dapitan sa pamamagitan ng RoRo at maituloy ang pangangampanya.
Inilunsad noong Abril 4 ang “Bus ni ISKO” campaign caravan na naglalayong ikampanya ang kandidatura ni Mayor ISKO dahil naniniwala sila sa mga nagawa nito sa Maynila ay magagawa din sa buong bansa.
Si Mayor Isko ay nakilala bilang dating basurero, pedicab driver na naging artista bago pumasok sa politika.
Lulan ng BUS ni ISKO ang mga youth volunteers mula sa grupong Ama ni ISKO, ISKO Tayo sa Kabataan, PRIMO ISKO, at Alliance for ISKO movement AIM, ay mainit na tinanggap ng mga mga kabataan , kapwa nila youth volunteers, mga kandidato at local na opisyal tuwing sila ay mag stop over.
Ang mga ito ay nagnanais na makumbinsi ang mga kabataang kapwa nila sa lahat ng sulok ng naturang lugar sa pamamagitan ng BUS ni ISKO campaign caravan na iboto si Domagoso.
Sila rin ay nakatakdang magtungo sa Dipolog City, Zamboanga City at Pagadian City.
-
Ramirez maayos na iiwan ang PSC
SA HUNYO ay magtatapos ang termino ni William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) at sa kanyang apat na Commissioners. Kaya naman nagpaalam na siya kina PSC Commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, Charles Maxey at Arnold Agustin pati na sa Philippine Olympic Committee (POC), mga sports associations at mga national […]
-
‘Wag lang magkuripot Alaska Milk: Manuel handang patali
MAAARI pa ring magpapako sa Alaska Milk ang naghihimagsik na si Victorino ‘Vic’ Manuel basta’t huwag lang magkuripot sa kanya ang Aces sa panibagong kontrata umpisa sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9. Namutawi ito sa 33-taong-gulang, may 6-4 ang taas at tubong Licab, Nueva Ecija sa pagdalo sa Sports […]
-
Comelec, susunod sa desisyon ng Korte
TATALIMA ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines. Sinabi ni Comelec chairperson George Erwin Garcia na hindi pa nila natanggap ang order mula sa Mataas na Hukuman na itigil ang anuman sa kanilang paghahanda para sa midterm polls sa […]