• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa

ANG  “house-to-house/person-to-person” na pa­ngangampanya ng mga taga-suporta ng tamba­lang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes.

 

 

Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad.

 

 

“Ano pa ang mas inspi­ring na larawan kaysa sa mga tao na may iba’t ibang social background pero sabay-sabay nagbabahay-bahay at ‘di alintana ang init at ulan para ikampanya lamang si VP Leni?” ani ni Trillanes, na tumatakbo sa pagka-senador.

 

 

Ayon kay Trillanes ang “class divisions” ay natunaw sa lakas ng mensahe ni Robredo ng “love and unity.”

 

 

Sinabi niya na ito ay patunay ng abilidad ni Robredo na ilabas ang pinakamabuti at pinakamagaling sa mga Filipino.

 

 

Aniya, ang mga taga-kampanya ni Robredo sa ibaba ay may kanais-nais na “aura” at may masa­yang disposisyon.

 

 

Aniya, isang patunay sa inspirasyon na bigay ni Robredo ang mga artista at singer na gumagawa ng mga libreng kon­syerto. Ito ay hamon, ayon kay Trillanes, para sa mabu­buting “influencers” na lumabas sa kanilang “comfort zones.”

 

 

“Hindi nga pumupunta sa grocery, pero para kay VP Leni, tinatagos mga palengke,” dagdag niya. (Daris Jose)

Other News
  • Mga manggagawa, pinarangalan ng Quiapo church

    Pinarangalan ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church ang mga manggagawa sa nalalapit na pagdiriwang ng Labor Day.     Namahagi ng tulong ang basilica sa mga construction workers ng Skyway Stage 3 na nakahimpil sa Pandacan Manila.     Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church ito ay […]

  • Ulat ng COVID-19 sa mga iskul, binubusisi ng DepEd

    BINUBUSISI ng Department of Education (DepEd) ang natanggap na ulat na may ilang paaralan at school personnel ang nagka-COVID mula nang simulan muli ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa.     Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, patuloy nilang inaalam ang report dahil wala pa silang ulat kung ilan ang nagkaroon ng virus sa […]

  • 3 timbog sa baril at halos P.2 milyon shabu

    Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng umaga.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Eyahn Galverio, 31, Rosylynjoy Luching, 21, at […]