• October 10, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 timbog sa baril at halos P.2 milyon shabu

Tatlong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makuhanan ng baril at halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City, kahapon ng umaga.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Eyahn Galverio, 31, Rosylynjoy Luching, 21, at Edna Arevalo, 24, pawang residente ng Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Kenneth Geronimo, dakong 6 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano sa loob ng isang Gray Honda City (VVA 384) na nakaparada sa harap ng Tugatog National High School sa Dr. Lascano corner P. Concepcion St. Brgy. Tugatog.

 

Isang undercover police na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili ng P1,000 halaga ng shabu kay Galverio.

 

Matapos tanggapin ni Galverio ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad itong dinamba ng mga operatiba, kasama ang dalawang bebot.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 28.80 gramo ng shabu na tinatayang nasa P195,840 ang halaga, buy-bust money, gray honda city na ginagamit umano sa kanilang ilegal na aktibidad at isang cal. 45 baril na may magazine at kargado ng anim na bala na narekober kay Galverio. (Richard Mesa)

Other News
  • PAL muling binuksan ang passenger flights papunta Saudi Arabia

    Muling binuksan ng Philippine Airlines ang kanilang passengers flights papuntang Saudi Arabia matapos ang dalawang linggong pagkahinto ng serbisyo nito.   Noong nakaraang Jan. 4 ay nagsimulang kumuha ng mga pasahero sa kanilang flights ang PAL matapos na alisin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang kanilang temporary suspension ng mga international flights.   Ang passenger […]

  • Motorbikes, main road killer sa Metro Manila nang taong 2019

    HALOS marami pa sa kalahati ng 394 na road crash deaths ang naitala noong nakaraang taon na motorbikes ang dahilan kung kaya’t sila ang tinatawag na main killer sa kalsada sa nalikom na data mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).   Sa isanglates report mulasa Metro Manila Accident Reporting and Analysis System (MMARAS), may […]

  • Pinas sa China: P60 milyong sinira sa Ayungin incident bayaran n’yo

    SINABIHAN ng Tsina ang Pilipinas na “face the consequences of its own actions” matapos humirit ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na pagbayarin ng P60 milyon ang Chinese government para sa danyos na dinulot ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas noong Hunyo 17.       Para kay Mao Ning, spokesperson […]