Davao Archbishop Romulo Valles, muling itinalaga ni Pope Francis bilang miyembro ng Vatican office
- Published on April 20, 2022
- by @peoplesbalita
MULING itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) ng Vatican.
Dahil dito ay nakatakdang magpatuloy pa rin ang arsobispo sa kanyang pagsisilbi sa loob ng limang taon.
Sa inilabas na statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), natanggap daw ng dating CBCP president ang kanyang reappointment noong Marso 29 na isinapubliiko lamang ng archdiocese noong Abril 18.
Sinabi nito na ang muling pagtatalaga ay ipinarating ng Secretariat of State ng Vatican kay Archbishop Arthur Roche noong Marso 18.
Kung maaalala, Oktubre 2016 nang italaga ni Pope Francis si Valles at 26 pang mga bishops bilang miyembro ng CDW.
Bukod dito ay nagsilbi rin bilang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy mula 2001 hanggang 2009 si Valles.
-
Busy rin sa movie nila ni Yassi: RURU, excited nang makatrabaho si MATTEO sa aksyon-serye
INAMIN ni Kapuso actress Gabbi Garcia na ang boyfriend na si Khalil Ramos na ang kanyang ’the one’ sa interview ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda.” Sa ngayon ay six years na silang magkarelasyon at napag-usapan na nilang dalawa kung paano mapapanatili ang kanilang relasyon at naniniwala sila […]
-
NBA All-Stars 2021 maraming mga pagbabagong ipinatupad
Magiging kakaiba ngayong taon ang NBA All-Star Game dahil sa patuloy na nararanasang COVID-19 pandemic. Sinabi ni NBA commissioner Adam Silver na limitado ang naimbitahang manood sa laro na gaganapin ngayong araw sa State Farm Arena sa Atlanta. Bukod kasi sa All-Star weekend ay ginawa na lamang itong isang araw kung […]
-
Pinas, maaaring makatanggap ng 30 milyong doses ng Novavax vaccine
MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan. Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na ang usapan sa pagitan ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. […]