• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Phl Consulate General sa New York umapela ng pag-unawa sa mga botante kasunod ng delay sa delivery ng mga balota

UMAPELA ng pag-unawa ang Philippine Consulate General sa New York sa mga Pilipinong botante doon kasunod delay sa shipment ng election paraphernalia mula sa Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Consul General Elmer Cato na asahan ng mga Pilipinong botante sa New York at mga katabing lugar na matatanggap nila ang kanilang election packets sa mga susunod na araw kasunod ng delivery ng ilang libong balota sa post office kamakailan.

 

 

Sisikapin din aniya nila sa Philippine Consulate General sa New York na makakuha ng mas marami pang balota para sa mga Pilipinong botante doon sa mga susunod na araw sa kabila ng delay sa arrival ng election materials.

 

 

Kahit pa aniya maging sila ay kulang na rin sa tulog at pagod na rin ay patuloy nilang gagampanan ang kanilang election duties, kaya umaasa sila na mapagbibigyan ang apela nilang pag-unawa sa kasalukuyang sitwasyon.

 

 

Magugunita na Abril 10 nang magsimula ang overseas absentee voting pero ang mga botante sa northeast ng America ay hindi nakaboto sa araw na iyon dahil na rin sa delay sa delivery ng election paraphernalia.

 

 

Abril 11 na nang matanggap ng Philippine Consulate sa New York ang mga vote counting machines at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa 2022 elections.

Other News
  • Cool Smashers dumikit sa Finals

    NAPIGILAN ng Creamline ang hamon ng Choco Mucho tungo sa 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo para makuha ang 1-0 bentahe sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference best-of-three semifinal series kahapon sa The Arena sa San Juan City.     Muling nagpasabog ng malakas na puwersa si opposite hitter Tots Carlos na bumomba ng 26 […]

  • KASAMA NG SENIOR CITIZEN KUNG MAGPAPABAKUNA, PINAYAGAN NA

    PINAYAGAN na ng gobyerno na magdala ng kasama ang mga senior citizen at may commorbidity na magpupunta sa vaccination sites  o tinawag na Plus 1 strategy.     Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na layon nitong mahikayat ang mga nakatatanda na magpabakuna na maging ang kasama nila sa bahay.     Paliwanag ni […]

  • CHINESE NATIONAL NA WANTED SA PYRAMID SCAM, DINAMPOT SA LAGUNA

    NAARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng Chinese na wanted ng  awtoridad sa kanilang bansa dahil sa pagkakasangkot ng large-scale pyramid investment scam.     Kinilala ni  Immigration Commissioner Norman Tansingco ang wanted na si Liu Jing, 44, na inaresto sa loob ng kanyang bahay sa isang subdivision sa Biñan, […]