• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Iba’t ibang pigura ng mga nasawi at nawawala, naitala dahil sa bagyo… Bagsik ni Ulysess

NAKAPAGTALA ang NDRRMC ng 69 (as of Nov. 16 death toll) na kataong namatay bilang  resulta ng  pananalasa ng bagyong  Ulysses.

 

Bitbit ng bagyong Ulysses ang malakas na hangin at matinding buhos ng ulan na siya namang nagpaalala sa maraming residente ng  Luzon ng  2009’s Tropical Storm Ondoy.

 

Sa isang press briefing, nagbigay ang mga  Cabinet officials ng iba’t ibang pigura pagdating sa numero ng mga namatay.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na 14 katao na namatay ang “LGU-verified.”

 

Gayunman, sinabi ng NDRMMC, na maliban sa  69 na namatay ay may naiulat na 12 katao naman ang nawawala dahil sa bagyong  Ulysses.

 

Sa ulat, napanatili naman ng bagyong Ulysses, ang pang-21 bagyong tumama sa bansa ngayong taon, ang kanyang lakas nang makarating ito sa West Philippine Sea umaga ng Huwebes matapos manalanta sa Luzon.

 

Makararanas ng mahina hanggang katamtaman at paminsan-minsang mabigat na pag-ulan ang ilang parte ng Visayas at nalalabing bahagi ng Luzon, ayon sa huling weather bulletin ng PAG-ASA.

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na 38,500  katao ang nasagip o na-rescue.

 

Samantala, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na tatlong pang tropical cyclones ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR), bago matapos ang 2020.

 

Ito’y matapos ang sunud-sunod na bagyo na tumama sa Pilipinas sa loob ng buwang ito.

 

Ayon sa Pagasa, hindi paman kumakalahati ang buwan ng Nobyembre ay tatlong bagyo na ang nanalasa sa bansa.

 

Samantala, umakyat na sa 428,657 pamilya o  1,755,224 indibidwal na naninirahan sa 4,543 barangay mula sa  Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol, National Capital Region (NCR) at Cordillera Administrative Region (CAR) ang apektado ng nanalasang bagyong Ulysses, batay sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

 

Sa naturang datos, 85,357 pamilya o 324,617 indibidwal ang naninirahan sa 2,991 evacuation centers habang nasa 52,574 pamilya o 231,701 indibidwal ang nasa labas.

 

Kasalukuyang patuloy pa rin ang pagsasagawa ng mga donation drive at pag-rescue ng mga ahensya sa Pilipinas upang matugunan ang iba pang pangangailangan. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, balik Pinas mula sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit sa Thailand

    NAKABALIK nang muli sa bansa si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. mula sa dinaluhang pagtitipon kasama ang iba pang world leaders sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Bangkok, Thailand.     Nakarating ang pangulo sa Pilipinas kasama ang iba pang Philippine delegation bandang alas-10:39 ng gabi ng Sabado, Nobyembre 19, 2022   […]

  • Chinese nat’ls ang karamihang sangkot sa ‘biggest’ drug busts ng PDEA nuong 2021

    INIULAT ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang 10 biggest anti-narcotics operations nuong 2021 at kalahati ng kanilang operasyon ay kinasasangkutan ng mga Chinese nationals.     Batay sa datos na inilabas ng PDEA, sa limang buybust operations, 13 Chinese suspeks ang sangkot kung saan siyam ang napatay sa ikinasang police operations.     […]

  • FILING NG COCC, WALANG EXTENSION

    Walang extension ng  filling ng Certificate of Candidacy o COC, ayon sa Commission on Elections (Comelec).   Sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, ang filling ng COC ng mga nais kumandidato para sa 2022 May election ay nakatakda sa October 1 hanggang 8, 2021.   Ayon kay Jimenez, ang last minute ng pagbabnago ng […]