• September 23, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FILING NG COCC, WALANG EXTENSION

Walang extension ng  filling ng Certificate of Candidacy o COC, ayon sa Commission on Elections (Comelec).

 

Sinabi ni Comelec Spokesman Director James Jimenez, ang filling ng COC ng mga nais kumandidato para sa 2022 May election ay nakatakda sa October 1 hanggang 8, 2021.

 

Ayon kay Jimenez, ang last minute ng pagbabnago ng kandidadto o withdrawal ng kanilang candidacy ay hanggang November 15 .

 

Paliwanag niya,dapat nakapag-file na ng withdrawal of candidacy ang isang kandidato dahil kailangan na aniyang mag-imprenta ng mga balota sa nasabing petsa.

 

Meron naman aniyang calendar of activities kung saan  nakadetalye  ang window for withdrawal.

 

“Puwede ka involuntary withdrawal dahil namatay o disqualified, pwede ka mag-replace pero substitution, voluntary withdrawal hanggang Nov. 15” ayon pa kay Jimenez.

 

Samantala,target pa rin ng Comelec na umabot sa 4 milyon ang bagong botante  sa mga mag-18 taong gulang.

 

Sa ngayon ay nasa 1.9 milyon pa lamang ang nagpaparehistro kasama na ang mga new registered voters at mga nag-reactivate ng kanilang voters registration. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Rehistradong SIM cards, 99.5 milyon na

    UMABOT na sa higit 99.5 milyon ang bilang ng mga rehistradong SIM cards sa bansa.     Sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Linggo, nabatid na hanggang 11:59 PM ng Hunyo 15, 2023, ang total number ng SIM registrants ay umabot na sa 99,505,222.     Sa naturang bilang, 47,024,431 ang subscribers ng […]

  • Overwhelmed sa mga papuring natatanggap: JAKE, sobrang tapang kaya ‘di matatawaran ang pagiging aktor

    HINDI talaga matatawaran ang pagiging isang ‘actor’ ng isang Jake Cuenca.      Talagang siya ‘yung tipo ng artista na napaka-seryoso sa kanyang propesyon. Never na nagpa-petiks-petiks.     Bukod dito, siya rin ang actor sa mga kasabayan na lang niya na napakatapang. Kung tinatanggihan ng iba, si Jake, niyayakap niya ang mga roles na […]

  • LRT 2 East Extension tinatayang magbubukas ngayon April

    Inaasahang magsisimula ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 East Extension sa darating na April 27, 2021 matapos ang ginagawang dalawang (2) estasyon.     “Rail commuters coming from and to the east side of Metro Manila will soon experience a more convenient travel as the two (2) additional stations of the LRT2 Line […]