Sinas, handang patunayan na karapat-dapat siya sa posisyong ibinigay sa kanya ng Pangulong Duterte
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
HANDANG patunayan ni bagong Philippine National Police chief Major General Debold Sinas na karapat-dapat siyang maging pinuno ng PNP.
Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kanyang pagkakatalaga bilang pinuno ng Pambansang pulisya.
Sinabi ni Sinas sa Laging Handa press briefing na marami na siyang napagdaanang posisyon bago marating ang pinaka mataas na puwesto sa PNP.
Sa katunayan, kabilang na rito ang pagiging hepe ng Central Visayas police office, naging Deputy Regional Director for Administration din siya sa Police Regional Office 12, nagsilbing secretary to the Directorial Staff sa Camp Crame, direktor ng PNP Crime Laboratory at naging Police Chief Superintendent noong 2017.
Aniya, kahit hindi kumpiyansa ang karamihan sa kanyang liderato ay wala na siyang magagawa hinggil dito dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang pumili sa kanya.
Binigyang-diin nito na patutunayan na lamang niya na karapat dapat siya na maging PNP Chief at tiniyak na ipatutupad ang direktiba sa kanya ni Pangulong Duterte kabilang ang pagsugpo sa ilegal na droga, sa koraspyon at sa terorismo. (Daris Jose)
-
Tradisyunal na pag- oobserba ng Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 – Malakanyang
HINILING ng Malakanyang sa mamamayang Filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito. Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo. Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito […]
-
8 DAYUHANG KUMPANYA, INTERESADO MAMUHUNAN NG BAKUNA
INTERESADO ang walong dayuhang kumpanya na makapagtayo ng pasilidad sa paggawa ng bakuna sa Pilipinas. Sinabi ni DOST Usec Rowena Guevarra sa isang press briefing na ito ay mula sa anim na nauna nang nagpaabot ng interes. Ang nasabing mga kumpanya ay hindi natukoy ni Guevarra ngunit ang isa ay galing […]
-
Djokovic bigong makapasok sa semis ng Monte Carlo Masters
Bigong makapasok sa semi-finals ng Monte Carlo Masters si world number one Novak Djokovic. Tinalo kasi siya ni Dan Evans ng Britanya. Nakuha ni Evans ang Score na 6-4, 7-5 para tuluyang ilampaso si Djokovic. Ito ang unang pagkatalo ngayon taon ni Djokovic na unang nagwagi sa Australian Open noong Pebrero. […]