Tradisyunal na pag- oobserba ng Kuwaresma, malaki ang maitutulong para mapababa ang naitatalang kaso ng COVID-19 – Malakanyang
- Published on March 27, 2021
- by @peoplesbalita
HINILING ng Malakanyang sa mamamayang Filipino na gawin ang tradisyunal na pag- obserba ng Mahal na Araw para sa taong ito.
Para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito kasi ang mga panahong wala talagang lumalabas kapag panahon ng Mahal na Araw lalo na kapag Biyernes Santo.
Ayon kay Sec. Roque, malaking bagay ito lalo pa’t sinisikap ng pamahalaan na mapababa ang bilang ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19.
Kaya ang hiling ni Sec. Roque sa publiko ay huwag na lang munang lumabas bilang pakikiisa na rin sa nakagawiang paggunita ng Holy week na siya naman aniya talagang paraan ng pag- oobserba ng nabanggit na okasyon.
“So without forcing anyone to stay indoors, we are requesting everyone na ang traditionally naman talaga, noong mga unang panahon, talagang walang lumabas kapag panahon ng kuwaresma. So sana ngayon na lang po ang gawin natin ng mapababa natin ang numero,” aniya pa rin.
Samantala, inaasahan naman ng Malakanyang na 25 percent ang matatapyas sa daily recorded COVID cases ngayong ipinatutupad ang mas mahigpit na hakbang sa mga nagsisipag- labasan at makakatulong aniya ang ilang araw na kuwaresma KUNG i-oobserba lang ang nakaugaliang pag- aalaala dito.
“Well, ang tingin po namin it is a realistic goal for the next two weeks. Remember two weeks lang po ito and we hope we can sustain the gains afterwards. Pero this is a minimum goal po. We are aiming for more at we are hoping na dahil Holy Week nga po at wala na pong lalabas ngayon ng Metro Manila eh lahat na lang po ay manatili sa ating mga tahanan,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DILG, maaaring i-realign ang pondo para ma-cover ang re-employment ng contact tracers – Avisado
MAAARING i-realign ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pondo nito para ma-cover ang re-employment ng contact tracers (CTs). Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado bilang pagbibigay katiyakan matapos na sabihin ng DILG noong Enero 16 na maaari lamang silang makapag-rehire ng 15,000 CTs […]
-
PAGGAMIT NG VCM, PINAG-AARALAN
PINAG-AARALAN ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdaraos ng masusing pagtalakay sa paggamit ng mahigit 97,000 vote counting machines (VCMs) sa darating na halalan sa bansa. Sinabi ni acting poll body chairperson Socorro Inting sa isang forum na mahigit 107,000 VCMs na ginamit noong Mayo 2022 election, mahigit 97,000 ang ginamit sa mga […]
-
Non-Japanese athletes, ‘di muna sasali sa Olympic test event – organizers
NAGDESISYON ang mga organizers ng 2020 Tokyo Olympics na huwag munang palahukin sa isa sa mga nalalapit nang test event ang mga atletang hindi Hapon dahil pa rin sa isyu ng coronavirus disease (COVID-19). Magbubukas na kasi sa Pebrero 28 ang dalawang araw na test event sa Ariake Arena kung saan tampok ang Paralympic […]