• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalituhan sa ‘window hours’, nilinaw ng MMDA

NILINAW  ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang polisiya sa ‘window hours’ na ipinapatupad sa provincial buses na nagdulot ng kalituhan sa publiko.

 

 

Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes na batay sa umiiral na polisiya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), lahat ng provincial buses ay dapat lamang na magbaba at magsakay ng pasahero sa North Luzon Express Terminal (NLET) sa Bocaue, Bulacan o sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na matatagpuan naman sa Parañaque City.

 

 

Ayon kay Artes, pinagbigyan ng LTFRB ang hiling ng MMDA matapos na umapela ang mga provincial bus operators sa ahensiya na payagan silang pumasok at dumaan sa EDSA simula 10pm hanggang 5am, sa loob ng dalawang linggong dry run na nagsimula noong huling linggo ng Marso. Binigyang diin din ni Artes na hindi ipinagbabawal na mag-operate nang lagpas sa nasabing window hours ang mga provincial buses, sa kondisyon na hindi sila magbaba at magsasakay sa kani-kanilang mga pribadong terminal at sa halip ay gagamitin nila ang integrated terminals (NLET at PITX) alinsunod sa umiiral na patakaran ng LTFRB.

 

 

Kinumpirma rin ni Artes na ang ahensiya at mga provincial bus operators ay nagkaroon ng gentleman’s agreement matapos silang humiling na palawigin pa ito, kung saan pinapayagan lahat ng provincial buses na dumaan sa kahabaan ng EDSA at gamitin ang kanilang Metro Manila terminals nang buong araw noong Semana Santa, partikular hanggang Abril 17 (Linggo ng Pagkabuhay). Mas pinalawig pa ang kasunduan hanggang noong Martes, Abril 19. Kaya naman muli nang ipapatupad ang window hours scheme nitong Miyerkules, Abril 20.

 

 

Bukod dito, iginiit ng opisyal na ang pa­ngunahing tungkulin ng MMDA ay ang mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon at batas trapiko, habang ang paggawa ng mga patakaran tungkol sa provincial buses at iba pa na may kinalaman sa transportasyon ay saklaw na ng Department of Transportation at LTFRB.

Other News
  • Pedicab driver, 1 pa tiklo sa P272K shabu sa Valenzuela

    Bagsak sa kulungan ang dalawang hinihinalang sangkot sa ilegal na droga matapos makuhanan ng halos P.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Christopher Sta. Maria, 44, pedicab driver at Jeffrey Adam Daluz, […]

  • Mag-tita na sina Helen at Sharon, pararangalan din… TITO, VIC & JOEY, pasok sa sampung Icon awardees ng ‘The 5th EDDYS’

    SAMPUNG tinitingala at nirerespetong alagad ng sining ang bibigyang-pagkikilala sa gaganaping The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd).     Tulad ng mga nagdaang taon, 10 mahuhusay at itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino ang pararangalan ng SPEEd bilang mga Icon awardees ngayong 2022.     Ito’y […]

  • Dennis Trillo and Ruru Madrid star in the inspirational drama “Green Bones,” GMA’s official entry to the 50th MMFF

    FROM the creators of the Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 Best Picture and Best Screenplay winner “Firefly,” GMA Pictures and GMA Public Affairs proudly present their official entry the 50th MMFF (Metro Manila Film Festival) – “Green Bones.”     Co-produced with Brightburn Entertainment and distributed by Columbia Pictures for Sony Pictures Releasing International, […]