Presyo ng petrolyo sisipa sa higit P3
- Published on April 25, 2022
- by @peoplesbalita
POSIBLENG sumipa sa mahigit P4 ang presyo ng kada litro ng diesel habang aabot ng hanggang P3.50 sa gasolina.
Ang inaasahang fuel prices ay dulot umano ng patuloy na giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Batay sa pagtaya, aabutin ang taas sa diesel mula P3.80 hanggang P4.10 kada litro, sa gasolina ay P3.10 hanggang 3.50, kerosene P3.40-P3.60 kada litro.
Sa oil price hike, mas malaki ang taas sa presyo ng diesel kaysa gasolina batay sa net increase.
Sa mga nakalipas na taon, ang presyo ng gasolina ang palagiang tumataas.
Samantala, patuloy naman ang pagkakaloob ng pamahalaan ng fuel subsidy sa mga pampasaherong drivers.
Tulong ito ng gobyerno para mabawasan ang gastos sa pagkakarga ng gasolina sa kanilang pamamasada sa araw-araw.
Samantala hindi pa napipirmahan ng Comelec ang resolusyon ng LTFRB na nagkakaloob ng fuel subsidy sa delivery riders dahil apektado ng Comelec ban ang ginawang pag-apruba dito ng LTFRB. (Daris Jose)
-
Pia, umaming labis na nasasaktan sa bangayan ng ina at kapatid
MAY pakiusap ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa publiko tungkol sa bangayang nangyayari ngayon sa kapatid niyang si Sarah Wurtzbach- Manze at inang si Gng. Cheryl Alonso-Tyndall. Ayon kay Pia, “I’m sure a lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is […]
-
Warriors star Stephen Curry nagtala ng panibagong record sa NBA
NAGTALA ng kasaysayan sa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry. Siya ngayon ang pang-29 na manlalaro ng NBA na nakaabot ng 24,000 career points. Naitala nito ang record sa laban nila ng Phoenix Suns kung saan sa kasamaang palad ay nabigo silang manalo. Isa lamang ito sa […]
-
Naturukan na ng Covid -19 vaccine ang 100k Tsinoy na nagtratrabaho sa POGO sa Pinas
WALANG impormasyon si Presidential Spokesperson Harry Roque sa sinabi ni civic leader Teresita Ang-See na may 100,000 Chinese POGO workers na ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19. “Wala po akong impormasyon kung kung man totoo edi mabuti, 100,000 less possible carriers of the Covid -19 virus,” ayon kay Sec. Roque. Ukol naman […]