RTC JUDGE ABADILLA, BINARIL NG RTC CHIEF CLERK OF COURT
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
KRITIKAL ang isang Judge ng Regional Trial Court (RTC) nang pagbabarilin ng Hepe ng Court of Clerk sa loob ng kanyang tanggapan sa Manila City Hall, Manila.
Kinilala ang biktima na si Hon, Maria Theresa Abadilla y Samonte, 44 Judge ng Manila RTC Branch 45 habang kinilala ang suspek na si Atty Amador Rebato y Bustamante, 42, RTC Branch 45, Chief of Court Clerk na sinasabing nagbaril din sa sarili matapos ang insidente.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang naganap ang pamamaril sa loob ng Room 535 Branch 45 , 5th floor ng Manila City Hall.
Ayon sa saksi, nasa loob umano ng nasabing branch ang biktima at suspek nang bigla silang nakarinig ng putok ng baril.
Matapos ang pagbaril ng suspek sa biktima ay nagbaril din sa ulo ang huli kung saan dead on the spot.
Aga namang isinugod sa biktima sa Manila Medical Center kung saan nasa kritikal na kondisyon. (GENE ADSUARA)
-
Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara
SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG). Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay […]
-
Organizers ng Tokyo Olympics walang gagawing pagbabago sa mga venues
Tiniyak ng organizer ng Tokyo Olympics na patuloy ang kanilang ginagawang paghahanda. Walang aniyang pagbabago sa mga venues na gagamitin kung ano ang napag-usapan sa naunang plano. Nakatakda kasing magbigay ng mga updates at ulat ang organizers sa International Olympics sa darating na Hulyo 17. Magugunitang nagkasundo si Japanese Prime Minister Shinzo […]
-
Pamasahe sa mga airlines tataas dahil sa travel cost adjustments
INIHAYAG ng Air Carriers Association of the Philippines (ACAP) noong Miyerkules na asahan na ng mga pasahero na magkakaron ng pagtaas ng pamasahe sa mga airlines dahil sa gagawing adjustment sa travel costs. Kapag nag take-over na ang New NAIA Infrastructure Corp. (NNIC) sa operasyon at pagmimintina ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) […]