Ayuda sa seniors, PWDs dapat gawing P1K
- Published on April 26, 2022
- by @peoplesbalita
NANGAKO ang ACT-CIS Partylist na tatrabahuhin ng kanilang grupo na madagdagan ang ayuda para sa mga indigent senior citizens sa bansa.
Ayon kay ACT-CIS nominee Edvic Yap, “sa kasalukuyan, P500 lang ang natatanggap na ayuda buwan-buwan ng mga indigent senior citizens natin at PWD.”
Ang budget ay nanggagaling sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ipinamamahagi sa mga matatanda at PWD.
“Madami pong mga PWD at senior ang lumalapit sa amin para lang sabihin na kulang na kulang ang P500 para pambili nila ng pagkain o maintenance kada buwan,” ani Yap.
Paliwanag pa ni Yap, hihingin nila sa Committee on Appropriations ng kongreso na dagdagan ang pondo ng DSWD sa susunod na taon para sa ayuda ng mga senior at PWD.
“Pagbalik namin sa kongreso ito ang mga unang panukalang batas na aatupagin ng aming mga kasamahan,” dagdag pa ni Yap.
-
Irving papayagan na ring mag-practice sa Brooklyn Nets facility
Pinayagan na rin ang NBA supertar na si Kyrie Irving na makapag-practice sa kanilang team facility sa Brooklyn. Gayunman hindi pa rin ito makakapaglaro tulad na lamang sa New York at home games kapag nagsimula na ang season dahil sa hindi pa rin ito nakakapagpabakuna laban sa COVID-19. Ayon sa team, […]
-
Ini-enjoy muna ang pagiging single: BEA, ayaw pang makipag-date kaya dedma sa nagpaparamdam
INAMIN ni Bea Alonzo na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon, pero wala pa raw siyang balak na makipag-date. “I’m enjoying being single. I mean there are people, siyempre naman may nagpaparamdam, sometimes you reply, sometimes you see people,” sey ng ‘Widows’ War’ star. Importante raw kay Bea […]
-
COVID-19 ‘work-related disease’ – DOLE
Makakatanggap na ng kompensasyon buhat sa pamahalaan ang mga manggagawa sa public at private sectors na dinapuan ng COVID-19 habang nasa duty makaraang maisama na ang coronavirus 2019 sa listahan ng “occupational and work-related diseases”. Inaprubahan ng Employees’ Compensation Commission (ECC) board ang Resolution No. 21-04-14 na nagtatakda ng kompensasyon sa mga manggagawang […]