• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, ibinahagi sa ASEAN na masyado nang bugbog ang Pilipinas sa kalamidad dahil sa climate change…

MARIING Iginiit ni Pangulong Rodrigo Roa  Duterte sa Association of Southeast Asian Nations  (ASEAN)  ang pagkakaisa para matugunan ang  peligrong idinudulot ng mga kalamidad bunga na rin ng climate change.

 

Sinabi ng Pangulo sa Plenary Session hinggil sa isinagawang 37th ASEAN Summit,  na masyado nang bugbog  ang Pilipinas sa sunud- sunod na mga delubyong dulot ng bagyo na ang iniwan ay grabeng pinsala sa komunidad.

 

Importante rin na magkaroon ng nagkakaisang tinig para  hingin ang aniya’y climate justice laban sa mga responsable at may kinalaman sa paglala ng climate change.

 

Kaya dapat  lamang  maihinto na ang paggamit  ng carbon emission na karaniwan aniyang nakikita sa hanay ng mga developed countries.

 

Bukod dito, naibahagi rin naman ng Chief Executive sa kasagsagan ng Summit ang dinaranas ng bansa mula sa lupit ni Ulysses kaya’t matatandaang humingi ito ng permiso na pansamantalang bumitiw at mula doon ay nagbigay ng kanyang public address, nag aerial inspection at bumalik din sa summit. (Daris Jose)

Other News
  • Lokal na pamahalaan, kailangan ang ‘greater access’ para sa pondo ng climate change – ULAP

    KAILANGAN ng local government units (LGUs) na gawing simple ang proseso at direktang funding channels upang paganahin ang napapanahon at epektibong pagtugon at makakuha ng ‘greater access’ sa mahalagang resources para tugunan nag global climate change crisis.     Ito ang sinabi ni Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) at United Cities and […]

  • Tiyak na ikalulungkot ng mga nagpapantasya… DAVID, ‘di na papayagang maghubad o magpa-sexy

    TIYAK na ikalulungkot ng mga bakla at nagpapantasya ang ibabalita namin… hindi na magpapaseksi si David Licauco.   Dahil kasi sa tagumpay ng “Maria Clara At Ibarra” at sa consistent na pagti-trending ni David bilang ‘Pambansang Ginoo’ na si Fidel sa top-rating historical serye ng GMA ay lumaki o dumami ang mga batang fans ng […]

  • FIST ACT pirmado na ni PDu30

    KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon na ang lahat ay nasa panahon ng pandemiya. […]