• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

FIST ACT pirmado na ni PDu30

KINUMPIRMA ng Malakanyang na napirmahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isang batas ang RA 11523 o mas kilala bilang Financial Institution Strategic Transfer o FIST ACT.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na napapanahon na ang pagpasa ng FIST Law lalo na sa ngayon na ang lahat ay nasa panahon ng pandemiya.

 

Sinabi nito na nagpapasalamat ang Malakanyang sa Kongreso sa pagsasabatas ng RA 11523 na sinertipikahang “urgent” ng Pangulo.

 

“Pinapalakas nito ang ating financial sector na kinakailangan sa muling pagbangon ng ating ekonomiya. Kinikilala ng estado ang mahalagang papel po ng mga bangko at financial institutions as mobilizers of savings and investments and in providing the needed financial system liquidity to keep the economy afloat,” ayon kay Sec. Roque.

 

Dahil dito ay kinakailangan na mapanatili ng mga bangko at iba pang financial insitutions ang kanilang financial health.

 

“Kasama ito ang pag-address ng non-performing asset problems of the financial sector, paghikayat ng private sector investment sa mga non-performing assets, pagtanggal ng mga hadlang o barriers sa pagkuha o acquisition ng non-performing assets, pagtulong sa rehabilitasyon ng nahihirapang negosyo or distressed businesses, pag-improve sa liquidity ng financial system,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Aniya pa, nananatili ang layunin ng pamahalaan na ibangon ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng fiscal at economic reforms at kasama ng rollout ng ating mass vaccination program.

 

“Sabay-sabay tayong gagaling at aahon mula sa Covid-19,” ani Sec. Roque.

 

Samantala, nauna nang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na tinintahan na ni Pangulong Duterte ang FIST bill bilang isang bagong batas na naglalayon na bumuo ng specialized asset-managing corporations.

 

Sinabi ni Diokno na sa ilalim ng FIST law ay dadali para sa mga bangko na i-dispose ang bad assets sa pamamagitan ng Asset Management Companies.

 

Dagdag ni Diokno, makakatulong rin ang bagong batas para manatiling stable ang bangking system sa kabila ng epekto ng COVID-19 pandemic.

 

Matatandaan na isinulong noon ni Diokno ang panukala sa kadahilanan na posibleng humina ang kapasidad ng borrowers na magbayad dahil sa disruption ng cash flows sa huling bahagi ng 2020.

 

Mababatid na layon ng nasabing panukala na lumikha ng specialized asset-managing corporations na pwedeng mag-acquire sa bad loans at stagnant properties mula sa mga problemadong financial institutions.

 

Sa ilalim ng panukala ay maaring mag-invest, o mag-aquire ng non-performing assets (NPAs) ang mga Fist corporation mula sa financial institutions, at makipag-ugnayan sa third parties para sa management, operation, collection, at disposal ng acquired NPAs. (Daris Jose)

Other News
  • Orbon namemeligro sa WOQT

    MABIGAT ang kinakaharap ni Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KSPFI) president Richard ‘Ricky’ Lim sa pagparito mula Estados Unidos ni Filipina-American Joan Orbon upang sumama sa national karate team sa Philippine Sports Commission (PSC) bubble training sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna.   Dahilan ito sa napakahigpit na Coronavirus Disease 2019 (Covid-19) health […]

  • Bukod kay Liza na nag-convince na mag-concert: ICE, grabe rin ang pasasalamat kay SYLVIA dahil naniwala agad sa vision ng project

    KUNG ganun-ganun na lang pasasalamat ni Ice Seguerra sa wife na si Liza Dino-Seguerra, na nag-suggest nga na magka-concert siya to celebrate ang kanyang 35 years in the industry at ang kinalabasan ay sold-out concert nga ang ‘Becoming Ice’ last October 15 sa The Theater at Solaire.   Isa pa sa labis na pinasasalamatan ni […]

  • PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

    “THE heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny.”     Ito ang inihayag ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na ika-125 na anibersaryo ng  Philippine Independence […]