Pag-apruba na maamyendahan ang Oil Deregulation Law, malabo sa ilalim ng termino ni PDu30
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
MALABONG maaprubahan ang panukalang amiyendahan ang Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998 bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang katwiran ni Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, Jr. magiging abala na kasi ang mga mambabatas sa mga election-related activities kahit pa matapos na ang halalan sa May 9 at wala ng magiging panahon para aprubahan ang pag-amyenda.
Nauna rito, tinawagan ng pansin ng Malakanyang ang Kongreso na suriing mabuti ang ilang probisyon ng Oil Deregulation Law habang ang bansa ay patuloy na niyayakap ang epekto ng Ukraine-Russia conflict sa presyo ng langis.
Hiniling ng Malakanyang sa Kongreso na rebisahin ang oil deregulation law sa gitna ng lingguhang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at kaguluhan sa Ukraine na pinangangambahang may economic impact sa Pilipinas.
Ang pagrebisa sa oil deregulation law ay kasama sa medium-term measures na napagkasunduan sa top-level special meeting na pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kabilang dako, inaprubahan na ng House Energy Committee noong nakaraang Marso ang nasabing batas na naglalayong amiyendahan ang Oil Deregulation Law.
“The changes proposed under the bill include requiring oil firms to unbundle the cost of petroleum and setting the minimum inventory requirements for fuel products,” ayon sa ulat.
“We call on Congress to review the oil deregulation law, particularly provisions on unbundling the price…as well as giving the government intervention powers or authority to intervene when there is a spike and/or prolonged increase in prices of oil products,” ayon sa Malakanyang.
Sa batas na naaprubahan noon pang 1998, inalis ang kapangyarihan ng gobyerno na kontrolin ang mga kumpanya ng langis para mas lumago ang kanilang supply at magkaroon sila ng kalayaan sa pagpi-presyo ng kanilang produkto.
Nakatakda namang magpatuloy ang sesyon ng Kongreso sa Mayo 23 hanggang Hunyo 3 bago magsimula ang 19th Congress.
Samantala, inanunsyo ng mga kompanya ng langis na itataas nila ang per-liter rates ng gasolina ng ₱3, diesel ng ₱4.10, at kerosene ng ₱3.50 epektibo alas-6 ng umaga ng Abril 26. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez, kinondena ng Malakanyang
MARIING kinondena ng Malakanyang ang pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez sa Bacolod nitong Lunes. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang puwang sa sibilisadong lipunan ang karahasan partikular na ang pagpatay sa mga aktibista. Kaya nga aniya, kaagad na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente. Sa ngayon ay makabubuting […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 7) Story by Geraldine Monzon
NAGSIMULANG mangamba si Angela nang makitang tumataas ang tubig sa labas. Silang dalawa lang ni Bela sa bahay dahil nakauwi na sa sarili niyang bahay si Lola Corazon hatid ni Mang Delfin. Tinawagan niya si Bernard. “Hello, sweetheart, mas mabuti pa siguro kung umuwi ka na lang bago pa lumaki […]
-
Nakaka-relate dahil galing din sa broken family: ZAIJIAN, ramdam ang nerbyos at pressure sa bagong role
AMINADO si Zaijian Jaranilla na may naramdaman siyang nerbyos at pressure dahil sa role niya bilang Gio Ilustre, ang solong anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa upcoming ABS-CBN drama series The Broken Marriage Vow, which premieres on January 22 on iWantTFC and January 24 on Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, and […]