Defending champion Bucks isang panalo na lang para umusad sa 2nd round
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG panalo na lamang ang kailangan ng defending champion na Milwauke Bucks para umusad sa second round ng NBA playoffs matapos na ilampaso ang Chicago Bulls sa score na 119-95.
Dinomina ng dating MVP na si Giannis Antetokounmpo ang laro nang kumamada ng 32 points, 17 rebounds at seven assists upang iposte ang 3-1 lead laban sa Bulls sa nagpapatuloy na first round series sa Eastern Conference.
Malaking tulong din ang ginawa sa Bucks ni Grayson Allen na nagbuhos ng 27 points, kasama na ang anim na three pointers.
Maging si Jrue Holiday ay nagpakitang gilas sa kanyang 26 puntos.
Sa panig ng Bulls nanguna sa bigong kampanya si Zach LaVine na may 24 points at 13 assists at si DeMar DeRozan ay nagdagdag ng 23.
Posibleng tapusin na ng Milwaukee ang serye sa Game 5 sa darating na Huwebes.
-
Unang batch ng bakunang made in Russia, maaaring dumating sa Abril 12
INAASAHAN na ang pagdagsa ng mga bakuna laban sa Covid -19 sa bansa ngayong buwan. Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez na maaaring sa darating na Lunes ay dumating na ang kauna- unahang batch ng bakuna na galing ng Russia. Nauna na kasing sinabi ni Galvez na inaasahan ang […]
-
Valentine’s Day spending ng mga Pilipino nakikitang makakatulong sa ekonomiya ng bansa
NANINIWALA ang ilang mga ekonomista na makakatulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagiging romantic ng mga Pilipino, lalo na ngayong Valentine’s Day. Sa isang panayam, sinabi ng ekonomista na si Ser Percival Peña-Reyes na maaring tapatan ng Valentine’s Day spending ng mga Pilipino ang halaga ng mga ginastos noon namang Pasko. […]
-
Secretary Rex kay VP Sara: Mga bata dapat proteksyunan ‘di mga nang-aabuso
NANININDIGAN ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na dapat lang na pagkalooban ng proteksiyon ang mga bata laban sa mga pang-aabusong pisikal at sekswual. Hindi mananahimik ang ahensiya sa gitna ng mga seryosong akusasyon laban kay Apollo Quiboloy na nahaharap ngayon sa mga kaso ng human trafficking, sexual […]