PBA legends ‘manok’ si Robredo bilang pangulo
- Published on April 27, 2022
- by @peoplesbalita
PINILI ng apat na dating Philippine Basketball Association (PBA) superstars si Vice President Leni Robredo bilang manok nila sa pagkapangulo ng bansa sa darating na halalan sa Mayo.
Sa isang video kasama ang beteranong PBA coach na si Yeng Guiao, nagdeklara ng buong suporta kay Robredo sina Jojo Lastimosa, Olsen Racela at Johnny Abarrientos.
Una nang nagdeklara ng suporta kay Robredo sina Guiao at dating national team head coach Chot Reyes.
Sa video, sinabi ng mga dating PBA superstar na si Robredo ang nararapat maging susunod na lider ng bansa, batay sa kanyang katangian at track record bilang lingkod-bayan.
“Sa basketball, hindi pwedeng pa-absent-absent kapag may training or laban. Dapat laging present. You show up in the most difficult times,” ani Racela, na ngayo’y head coach ng FEU at assistant coach ng Barangay Ginebra.
“Sa basketball, hindi ka pwedeng sumuko. Laban lang ng laban, kahit na pinipilit kang i-foul out ng kalaban,” ani Abarrientos, na assistant coach ng Tamaraws at Magnolia.
“Kaya ako, bilib na bilib sa lider na taglay ang katangiang ito,” ani Lastimosa, na isa sa mga assistant coach ni Guiao sa NLEX.
Sa pangunguna ni Robredo, naniniwala sila na gaganda ang buhay ng mga Pilipino.
-
Mas maraming Filipino nurses, nakatakdang maghanap ng trabaho abroad
POOR working conditions ang mga rason kung bakit umaalis ang mga nurses sa bansa at nagtatrabaho sa ibayong dagat. Asahan na raw ang pag-alis sa bansa ng mga Filipino nurses sa mga susunod na buwan para maghanap ng trabaho. Ito ay dahil na rin sa mas niluwagang coronavirus border controls at […]
-
Ravena nag-eensayo na kasama ng NeoPhoenix
MATAPOS ang maraming hadlang at problema, pormal nang nakasama sa ensayo ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa paghahanda sa kanyang debut game sa Japan basketball league. Nagtapos na ang 14-day man- datory quarantine ng 23-year-old high-flyer mula nang dumating sa Japan noong October 15. Agad na nakisalamuha si Ravena sa kanyang […]
-
Ironman Philippines muling ibinalik matapos ang 2 taong kanselasyon dahil sa pandemya
HALOS 2000 atleta mula sa 46 na bansa ang lumahok sa karera para sa swimming, biking at running. Kasabay ng event, may mga naka-standby na medical station sa South Road Properties sakaling magkaroon ng emergency, habang nakadeploy naman ang mga tauhan ng Cebu City Disaster Risk Reduction and Management Office, Cebu City Transportation […]