Ravena nag-eensayo na kasama ng NeoPhoenix
- Published on November 5, 2020
- by @peoplesbalita
MATAPOS ang maraming hadlang at problema, pormal nang nakasama sa ensayo ng San-En NeoPhoenix si Thirdy Ravena para sa paghahanda sa kanyang debut game sa Japan basketball league.
Nagtapos na ang 14-day man- datory quarantine ng 23-year-old high-flyer mula nang dumating sa Japan noong October 15.
Agad na nakisalamuha si Ravena sa kanyang bagong squad na San-En habang pinagdiriwang ang 31st birthday ni American import Kyle Hunt. Ang pagdating ng three-time UAAP Finals MVP ay tamang- tama lang dahil ang NeoPhoenix ay nanatiling kulelat na pwesto sa first division ng 2020-21 B.League sa kartadang 1-9 (win-loss).
Sa huling laro ng San-En ay nanalo ito kontra Kyoto Hannaryz, 94-75, dahil sa tulong nina Stevan Jelovac at Hunt.
Umaasa ang San-En na madadala ni Ravena sa panalo ang koponan.
-
OCD, itinutulak na amiyendahan ang NDRRMC law, palakasin ang warning systems
ITINUTULAK ng Office of Civil Defense (OCD) ang pag-amyenda sa batas na lilikha sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at palakasin ang’ early warning system.’ “Foremost of our plans is to have amendments to the law that created the NDRRMC. One of the amendments we are requesting is to allow us to create […]
-
Ads November 21, 2024
-
Vice President Sara, sumagot sa ‘Resign Marcos’ ni Baste
NAGLABAS na kahapon si Vice President Sara Duterte ng reaksiyon hinggil sa panawagan ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Duterte, sa kanyang kaalyadong si Pang. Ferdinand Marcos Jr. na magbitiw na sa tungkulin kung wala naman aniya itong pagmamahal sa bansa. Ayon kay VP Sara, na siya ring kalihim ng […]