Posibleng pagtaas sa kaso ng COVID 19, maaaring maganap anumang araw
- Published on April 28, 2022
- by @peoplesbalita
ANUMANG araw ay posibleng magsimula ng tumaas muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa.
Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA Research sa Laging Handa Public briefing na kanilang ibinase ang kanilang projection sa pagkakahalintulad ng characteristics ng Pilipinas sa South Africa at New Dehli sa India na ngayoy inaatake naman ng panibagong sub- variant.
Concern ani David sila sa posibilidad na makapasok sa bansa ang sub- variant na tiyak aniyang magpapataas sa kaso ng COVID sa Pilipinas.
Batay sa kanilang projection, hindi naman nila nakikitang magiging kasing taas ng kaso nung January ang posibleng mangyari anomang araw.
Tinatayang, 50,000 hanggang 100, 000 ayon kay David ang kanilang tinatayang maitalang active cases o 5 libo hanggang sampung libong kaso kada araw.
Samantala, puwede pa rin naman aniyang mabago ang naturang projection. (Daris Jose)
-
NBA stars aatras sa Tokyo Olympics, takot sa coronavirus
Inamin ni Golden State Warriors coach Steve Kerr, magsisilbing assistant coach ni Gregg Popovich para sa USA Basketball Team, na hindi nito tiyak kung may mga National Basketball Association (NBA) star na lalaro sa Tokyo Olympics dahil sa pangamba sa coronavirus. Bukod pa rito, wala pa silang ideya kaugnay sa palaro dahil wala pa umano silang nakukuhang konkretong impormasyon mula sa organizer ng Olympics. […]
-
Ads April 18, 2024
-
Ads June 24, 2024