• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MEKANIKO, PATAY, 2 SUGATAN, 6 NA SASAKYAN NASIRA

NASAWI ang isang 24-anyos na mekaniko habang sugatan ang dalawa pang trabahador at nasira ang anim pang sasakyan  nang araruhin ng isang dump truck ang isang container van na nagsisilbing barracks ng mga trabahador sa Carmona, Cavite Martes ng hapon.

 

 

Pawang isinugod sa Carmona Hospital and Medical Center ang mga biktimang sina Anicor Yuson y Ecot, binata, isang mekaniko ng B7 L11, Roseville Subd., Camarin, Caloocan City; Jerome Carlos y Montilla, 38, isang helper ng Governor’s drive, Mabuhay, Carmona, Cavite at Rodolfo Ibañez y Sales, 50, isang carpenter/helper and  resident ng  Purok 2, Brgy. Langkiwa, Biñan, Laguna subalit hindi na umabot ng buhay si Yuson.

 

 

Kinilala naman ang driver ng dump truck na si   Leonardo Sanggalan Jr y Belando, Filipino, male, 24 y/o, driver and a  resident of Calevity St., Suñiga Farm, San Jose, Rodriguez, Rizal.

 

 

Sa ulat ni Corporal Rommel Samorin ng Carmona Police Station, minamaneho ni Sanggalan ang isang Shackman dump truck na may plakang NFU 5807 habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive patungo sa Binan City dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon pero pagsapit sa Brgy Mabuhay, Carmona, Cavite nang nawalan ng break ang kanyang sasakyan at inararo ang isang container van na nagsisilbing barracks ng mga trabahador ng Ekspertow Corporation.

 

 

Dahil dito, nag-collapsed ang nasabing container van at tumama sa ilang trabahador na noon ay nagtratrabaho malapit sa lugar.

 

 

Bukod sa mga trabahador na nabagsakan ng barracks, nasira din ang anim na sasakyan kabilang ang (4) motorcycles, one (1) Honda Civic sedan, isang  Mitsubishi L300 at apat na motorsiklo na nakaparada malapit sa lugar.

 

 

Isinugod sa ospital ang mga nasugatan subalit hindi na umabot ng buhay si Yuson. GENE ADSUARA

Other News
  • Tulong medikal ng CDA pinuri ni Bong Go

    DUMALO si Senator Christopher “Bong” Go sa pagbubukas ng Cooperative Development Authority-Philippine Charity Sweepstakes Office Partnership Program on Medical Assistance for Cooperatives (PMAC) sa CDA Main Office sa Quezon City.     Bilang bahagi ng inisyatiba, ang mga miyembro ng micro at small cooperative na may mga isyu sa kalusugan ay makatatanggap ng tulong pinansyal […]

  • Ads October 1, 2020

  • P4.2 BILYONG PISO HALAGA NG IMPRASTRAKTURA, WINASIWAS NG BAGYONG ULYSSES

    UMABOT na sa P4.2 bilyon piso halaga ng imprastraktura ang nasira ng bagyong Ulysses.   Sa idinaos na  Special Presidential briefing sa National Disaster Risk Reduction and Management Council,  sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na pumalo na sa  aabot sa 52  road sections ang sarado pa ngayon at hindi pa madaanan […]