Navotas, umayuda sa Marikina
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Matapos masigurong nakauwi na sa kanilang mga bahay ang daan-daang pamilya ng Navotas City na inilikas mula sa coastals areas matapos ang pananalasa ng bagyong Ulysses, nagpadala naman si Mayor Toby Tiangco ng rescue team sa Marikina City.
Ayon kay Mayor Tiangco, ang team na mula sa kanilang Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) ay mga karanasan na sa anti-disaster operations, kasama ang rescue boat at utility truck para tumulong sa pagrescue ng mga residenteng binaha sa Marikina.
“Dahil nasiguro na natin na ang aming mga residente na naninirahan malapit sa mga baybayin na unang nailikas bago ang pananalasa ng bagyo ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan nang ligtas, napagpasyahan kong oras na upang matulungan naman ang iba, sa labas ng lungsod, pahayag ni Tiangco.
Si Mayor Tiangco at kanyang kapatid na si Rep. John Rey Tiangco ay nagsikap na magtayo ng maraming mga pumping station na umabot na ngayon ng 54 na nakaposisyon sa buong lungsod dahilan upang mapigilan ang pagbaha.
Pinasalamatan naman ng alkalde ang city engineering office sa pagsiguro na gumagana lahat ng 54 ‘bombastik’ pumping stations.
Dagdag niya, maliban sa 54 bombastik stations sa lungsod, meron din silang 3.6 kilometrong dike mula Bagumbayan North hanggang Tangos South na nagpoprotekta sa mga kabahayang nakaharap sa Manila Bay.
Samantala, sa katabing mga lungsod ng Caloocan, Malabon at Valenzuela ay maraming mga pamilya din na apektado ng bagyo ang inilikas patungo sa mga itinalagang evacuation centers.
“Here in Valenzuela, we are sandwiched by two rivers – Meycauayan River and Tullahan River – and we evacuated 400 families living near these two rivers and our timely action has prevented possible casualties,” ani Mayor Gatchalian. (Richard Mesa)
-
Pagtatayo ng mga tulay sa NCR, kasama sa plano ng DPWH
PLANO ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na gumawa ng tulay na mag- uugnay sa North at Southern part ng Kalakhang Maynila. Bunsod ito nang patuloy pa ring nararanasang matinding trapiko sa National Capital Region. Sa Post SONA Economic briefing, tinuran ni Bonoan na balak nilang itayo ang mga tulay mula sa […]
-
Paglipat ng pondo ng Philhealth sa National Treasury, pinigil ng Korte Suprema
PINIGILAN ng Korte Suprema ang paglilipat ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth sa pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO). Naglabas ng temporary restraining order kahapon (TRO)ng Korte Suprema laban sa karagdagan pang paglilipat ng P89.90 bilyon pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury. […]
-
Ayaw maranasan ang feeling ng isang ‘fatherless’… KRIS, ipinagmalaki si BIMBY sa ginawang pag-communicate kay JAMES
TIYAK magiging super-busy si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ngayong balik-acting na siya after almost five years. Unang nabalita nga ay tuloy na ang pagtatambal nila ni Gabby Concepcion sa isang teleserye, ang “Against All Ods,” na kasalukuyan nang inihahanda ang production. Then, dumating na ang balitang magkakaroon sila ng reunion […]