PDu30, pinadalhan na ng imbitasyon para sa campaign rally ng pagsasanib ng PDP-Laban at UniTeam
- Published on April 30, 2022
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam.
Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag- uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.
Sa katunayan ani Andanar ay mayroon ng imbitasyon ang Pangulo bagama’t wala namang nabanggit pa kung kailan at saan gagawin ang campaign rally ng dalawang kampo.
“Mayroon pong imbitasyon pero wala pa pong venue at petsa,” ayon kay Andanar.
Sa kabilang dako, wala pa rin namang sinasabi si Pangulong Duterte ukol sa nasabing imbitasyon subalit ayon naman kay Secretary-General at Cabsec Melvin Matibag ay kanilang inaasahang magpapa- unlak sa imbitasyon ang Punong Ehekutibo.
‘Hindi po ako nakakatiyak kung siya po ay dadalo. Pero mamaya ay magkasama po kami, I’ll try to ask him,” ayon kay Andanar.
Sinasabing, ilan sa mga lugar na nababanggit na posibleng gawin ang joint campaign rally ng Uniteam at PDP Laban ay Bulacan, Parañaque habang ikinukunsidera din ang Laguna at Nueva Ecija. (Daris Jose)
-
Ka-join na rin ang mag-ama sa leading e-commerce platform: MARIAN, madaling na-convince si ZIA na magpabakuna dahil sa face-to-face class
NAGING madali para sa mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera na i-convince ang anak nilang si Zia Dantes, na walang arte at matapang na magpabakuna. Kaya last Monday (Feb. 28), fully vaxx na nga ang anak nila. Sa post ng kanyang Daddy Dong, “It’s ate Z’s second shot today and we […]
-
PBBM sa BOC, BIR: Paigtingin ang kampanya laban sa smuggling ng tobacco, vape products
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BoC) at Bureau of Internal na palawakin at palakasin ang pagsisikap na protektahan ang tobacco industry ng bansa laban sa smuggling ng tobacco at vape products. Sa isinagawang 6th Private Sector Advisory Council-Agriculture Sector Group (PSAC-ASG) meeting sa Palasyo ng Malakanyang, kinilala ng Pangulo […]
-
PGH, handa nang tumanggap ng kahit na anong brand ng Covid- 19 vaccine
HANDA ang Philippine General Hospital (PGH) na tumanggap ng kahit na anumang brand ng coronavirus vaccine. “Kung anuman ang unang bakunang darating ay tatanggapin namin at ang aming batayan sa pagtatanggap nito ay ang EUA (Emergency Use Authorization) na ibibigay ng ating FDA (Food and Drug Administration),” ayon kay PGH director Dr. Gerardo Legaspi. […]