• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOLE, NAKATAKDANG DESISYUNAN ANG WAGE HIKE PETITIONS

INAASAHAN na raw na maglalabas ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) ng kanilang desisyo nsa mga wage hike petitions sa lalong madaling panahon.

 

 

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Undersecretary Benjo Benavidez, posibleng sa mga susunod na mga linggo ay may desisyon na rito ang RTWPB.

 

 

Aniya, base raw sa kanilang nakalap na mga impormasyon, marami na umanong naka-schedule na public hearing kaugnay rito.

 

 

Kaya naman asahan daw na bago matapos ang kasalukuyang administrasyon ay mayroon nang desisyon dito ang RTWPB.

 

 

Dagdag ng DOLE official, ang regional wage boards ay kasalukuyang nagsasagawa ng konsultasyon sa mga stakeholders kabilang na ang mga employers at workers.

 

 

Kasalukuyan na rin daw na inaaral ng RTWPB ang sitwasyon sa iba’t ibang rehiyon kung ano ang mga pangangailangan ng mga workers at ang kakayahan din ng mga employers.

 

 

Sa ngayon, lahat na raw ng regional boards ay sinimulan na ang kanilang proseso sa pag-set ng minimum wage rate.

Other News
  • Gulat na gulat si Karen sa kanyang interview: COLEEN, nai-insecure pa rin kahit isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz

    HINDI nagdamot ng kanyang oras ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards para magsilbing inspirasyon sa mga bagong Sparkle artists.     Kahit napaka-busy ng schedule ni Alden na tinatapos na ang bagong primetime series, ang “Start-Up” at naghahanda rin sa pag-alis niya for the U.S. concert tour of “ForwARd” ay naglaan pa rin […]

  • ALJUR, umaming nagkaproblema sila ni KYLIE pero ginawa ang lahat para magkaayos

    NAGSALITA na si Aljur Abrenica tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang misis na si Kylie Padilla.      Ilang buwan na kasing pahulaan ang netizens kung sila pa ba o hiwalay na sila sina Aljur at Kylie.     Base kasi sa mga post nila sa Instagram, walang photo si Aljur sa account ni […]

  • Castro, pinaigting ang pagpapatupad ng panlalawigang ordinansa ukol sa labis na kargang trak at proteksiyon ng kapaligiran

    MAHIGPIT na ipinatutupad nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang kanilang direktiba kaugnay sa istriktong implementasyon ng panlalawigang ordinansa laban sa sobra-sobrang karga ng trak at proteksyon sa kapaligiran sa ginanap na pulong sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan.     Ipinaalala ni Fernando sa […]