• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DOTr: Bike lane network pinalawak

INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na nadagdagan ng 68 na kilometro ang bicycle lane network bilang bahagi ng adhikain ng pamahalaan na ipagpatuloy na palakasin ang active transportation sa bansa.

 

 

Nagkaron ng inagurasyon ang South at East Metro Manila bike lane network noong nakaraang linggo ang DOTr kasama ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

 

Sa ngayon ay mayron ng kabuohang 563.57 na kilometro ang bicycle lane network ang tapos ng ilagay sa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.

 

 

Ang East Metro Manila bike lane ay may layong 17.2 na kilometro sa kahabaan ng anim (6) na road sections sa Marikina City habang may 49.36 na kilometro naman sa South Metro Manila bike lane sa tatlong (3) road sections na dumadaan sa Las Pinas, Muntinlupa at Paranaque.

 

 

“The South and East Metro Manila bike lane network aims to connect the existing bike lane in the metropolis and extend active transport infrastructure in other areas adjacent to the existing network to provide safety for all road users,” wika ng DOTr.

 

 

Ang mga bike lane network ay may nakalagay na signages, solar studs para sa visibility sa gabi, pavement markings at physical separators tulad ng bollards, concrete delineators at bike racks.

 

 

Binigyan ng pondo ang proyekto sa ilalim ng Republic Act 11494 o ang tinatawag na Bayanihan to Recover as One Act of 2020 na mula sa General Appropriations Act of 2021.

 

 

Naniniwala ang DOTr na ang pagtatayo at paglalagay ng bike lanes ay upang palakasin ang active transportation kung saan ito ay isang mabisa at kapaki-pakinabang na paraan ng paglalakbay sa gitna ng pandemya na isinusulong ang kaligtasan ng mga pedestrians at cyclists.

 

 

“Transportation Secretary Arthur Tugade believes in this program that he gave me special instructions to make sure that we include active transport as one of our proposals for the 2023 budget, hoping that the next DOTr chief will continue the project,” saad ni DOTr undersecretary Giovanni Lopez.  LASACMAR

Other News
  • Malakanyang, nangako sa LGUs na agad na ipamamahagi ang milyong doses ng bakuna kontra Covid-19

    NANGAKO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na agad na ipamamahagi sa local government units ang milyong doses ng COVID-19 vaccines.   Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng naging panawagan ni vaccines czar Secretary Carlito Galvez ng mataas na demand para sa bakuna sa hanay ng LGUs at sa limitadong ‘shelf […]

  • Kasama sa sports drama series na ‘Heart on Ice’: Two-time Olympian na si MICHAEL, tuloy na ang pagsabak sa pag-aartista

    TULOY na nga sa pagsabak sa pag-aartista ang Sochi Olympic Winter Games veteran na si Michael Martinez!     Kasali siya sa cast ng upcoming Kapuso serye na ‘Hearts on Ice’.     Ang co-star niyang si Sparkle female star na si Roxie Smith ang naghayag sa kanilang paghahanda para sa sports drama series kung saan makakasama […]

  • Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’

    Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus.   Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leo­nardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating […]