La Salle swak sa Final 4
- Published on April 30, 2022
- by @peoplesbalita
NAIPORMALISA ng De La Salle University ang pag-entra sa Final Four matapos sikwatin ang 64-51 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.
Bago makuha ang panalo, dumaan muna sa matinding pagsubok ang Green Archers kung saan tabla sa 43-all ang iskor sa pagpasok ng huling kanto.
Subalit nagtulong sina Evan Nelle at Justine Baltazar upang makalayo ang La Salle at tuluyang makuha ang panalo.
“It was a total team effort for the whole team. Finally, it’s official that we made it to the Final Four. It was a good win for us and we know that it wouldn’t be easy,” ani Green Archers head coach Derrick Pumaren.
Bumanat si Nelle ng pito habang lima naman ang nagawa ni Baltazar sa 16-4 run ng Green Archers para makuha ang 59-47 bentahe sa huling tatlong minuto ng laro.
Mula dito ay hindi na lumingon pa ang La Salle.
Pinana ng Green Archers ang ikawalong panalo para gumanda ang rekord nito sa 8-5 habang nanganganib na masibak ang Soaring Falcons na bumagsak sa 5-8 baraha.
Nanguna para sa Green Archers si Schonny Winston, na hindi nasilayan sa laban ng La Salle at Far Eastern University dahil sa back spasms, nang umani ito ng 19 points tampok ang 14 sa second half, kasama pa ang limang rebounds, dalawang steals, at isang block.
Tumapos ng kabuuang 11 markers si Nelle kalakip ang limang rebounds at dalawang steals.
Nalimitahan si Soaring Falcons ace Jerom Lastimosa sa maasim na 3-of-13 shooting para magkasya lamang sa 11 puntos habang umiskor ng parehong 11 markers si rookie Ricky Peromingan.
Sa unang laro, nanaig ang National University sa University of the East, 100-81, upang manatiling buhay ang tsansa nito sa Final Four.
Gumanda ang rekord ng Bulldogs sa 6-7 habang wala pa ring panalo ang Red Warriors sa 13 pagsalang.
“Maganda ‘yung balik namin coming off four straight losses,” ani Bulldogs head coach Jeff Napa. “Magandang bwelo ‘to heading to the game on Sunday against La Salle.”
-
Hidilyn natuto na ng leksyon sa paghawak ng cash incentives
Inamin ni Olympic Games gold medalist Hidilyn Diaz na hindi niya nahawakan nang tama ang mga natanggap na cash incentives matapos buhatin ang silver medal noong 2016 edition sa Rio de Janeiro, Brazil. Halos P10 milyon ang natanggap na insentibo ni Diaz matapos kunin ang silver medal noong 2016 Olympics. Sa […]
-
Speaker Romualdez tiwala na maiangat ang NAIA bilang “world-class” standards
NANINIWALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang paglagda sa P170.6 billion Public Private Partnership concession agreement ay lalong magpapa-angat sa antas ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging isang “world-class” standard na paliparan. Sinabi ni Speaker Romualdez malaking pakinabang sa ekonomiya ng bansa kapag mapapabuti ang mga pasilidad sa loob ng paliparan, magpapalakas […]
-
Bulls jersey ni Jordan posibleng mabili sa auction ng $500-K
Inaasahan ng Goldin Auctions na mabibili sa kalahating milyong dolyar magiging presyo ng isa sa pinakahuling Chicago Bulls jersey ni NBA legend Michael Jordan. Ang nasabing jersey ay sinuot ni Jordan noong ’97-’98 finals na siyang huling season nito ng makaharap nila ang Indiana Pacers. Sinuot nito ang jersey noong game 3 and […]