Subvariant ng Omicron, ‘di pa variant of concern
- Published on May 2, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa dapat mangamba ang publiko sa nakapasok sa bansa na BA.2.12 subvariant ng Omicron variant ng COVID-19.
Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang nasabing subvariant ay hindi pa tinukoy ng World Health Organization (WHO) bilang variant of interest o variant of concern.
Muli niyang hinikayat ang publiko na magpabakuna o magpa-booster na laban sa COVID-19 at huwag nang maghintay na magkaroon muli ng surge ng virus bago pumila sa mga bakunahan.
Giit ng kalihim, maiiwasan ang pagkakaroon ng surge kung magiging maingat ang mga mamamayan, patuloy na tatalima sa mga health protocols at kung magpapabakuna laban sa COVID-19 upang magkaroon sila ng proteksiyon laban sa virus.
Una nang kinumpirma ng DOH na naitala na nila ang unang kaso ng Omicron BA.2.12 sa Baguio City.
Ito’y isang 52-anyos na Finnish na dumating sa bansa noong Abril 2 mula sa Finland, at sinasabing nagkaroon ng 44 close contacts. (Daris Jose)
-
Ads June 25, 2021
-
Ginamit na campaign materials, maayos na itapon – DENR
HINIKAYAT ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga kandidato ng 2022 national at local elections na linisin at itapon ng maayos ang kanilang campaign materials alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000. “Win […]
-
COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research. Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw. Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat […]