• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 47-K PDLs nationwide na boboto sa May 9 polls, sasailalim sa antigen test – BJMP

KINUMPIRMA ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa mahigit 47,785 persons deprived of liberty (PDLs) sa buong bansa ang nakatakdang bumoto sa May 9,2022 national and local elections.

 

 

Nilinaw naman ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda, na ang mga PDL ay maaari lamang bumoto sa pagka-pangulo, vice president, senators, at party-list, gaya sa absentee voting.

 

 

Paliwanag pa ni Solda, kapag ang bilang ng PDLs na nasa 50 pababa sa isang facility, sila ay ililipat sa polling centers kung saan sila bumoboto.

 

 

Pero kung nasa mahigit 51 ang boboto, maaari itong gawin sa BJMP facility bilang special police center at mismong mga tauhan ng Commission on Elections ang siyang personal na mangangasiwa.

 

 

Dagdag pa ni Solda, may special lane sa mga polling center ang mga bobotong PDLs at nakipag-ugnayan na rin sila sa Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines na naka-deploy sa grounds.

 

 

Nabatid na ang pagboto ng PDLs ay mayroong court order na nagsasabing pinapayagan sila na lumabas para bumoto.

 

 

Nais ng pamunuan ng BJMP na mapagtibay ang karapatan ng mga PDL na bumoto.

 

 

Samantala, bago pa sila payagang lumabas ng kulungan para bumoto ay isasailalim muna sila sa antigen test.

Other News
  • Kamara magsasagawa ng imbestigasyon sa alegasyon ng Duterte-China agreement sa WPS

    INIHAYAG ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na aaksyunan ng Kamara ang kahilingan ni Assistant Majority Leader Jay Khonghun na imbestigahan ang alegasyon na nagkaroon ng gentleman’s agreement sa pagitan nina dating Presidente Rodrigo Roa Duterte at Tsina kaugnay sa West Philippine Sea.     Ayon kay Dalipe, chairman ng House Committee on Rules, […]

  • Trial doses ng Sputnik V, hahatiin sa 5 lungsod sa Metro Manila

    Limang lungsod pa lang sa Metro Manila ang makatatanggap ng 15,000 doses ng inisyal na sampol ng Sputnik V COVID-19 vaccine mula sa Russia na dumating sa bansa nitong Sabado.     Makakatanggap ng tig-3,000 trial doses ng naturang bakuna ang mga lungsod ng Makati, Taguig, Muntinlupa, Maynila at Parañaque.     Ayon kay Health […]

  • PLM PINURI KALIDAD NG PAGTUTURO, 195 TAKERS PASADO SA 2023 NLE

    SA PANGUNGUNA ni Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ng Maynila ang isang resolusyong nagbibigay papuri sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) matapos pumasa ang lahat ng kanilang estudyante sa nakaraang Nursing Licensure Exam (NLE) na nalagpasan ang dating 74.94% na passing rate.     Sa naturang resolusyon na […]