• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

All-Filipino lineup handang iparada ng Gilas

Handa ang Gilas Pilipinas na isabak ang all-Filipino lineup nito sa FIBA Asia Cup Qualifiers sakaling hindi umabot ang naturalization ni Ivorian Angelo Kouame.

 

Ilang araw na lamang ang nalalabi bago tumulak patungong Manama, Bahrain ang Gilas Pilipinas.

 

Subalit nananatiling opti­­mistiko ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makukuha ni Kouame ang naturalization papers nito bago ang qualifiers.

 

Alam ni SBP Special Assistant to the President Ryan Gregorio na hindi madali ang pagproseso ng naturalization.

 

At kung hindi papalarin, inihahanda na ng SBP ang isang solidong all-Pinoy lineup na haharap kontra Thailand at South Korea.

 

“That is really the plan. Some of the things are beyond our control. If there is a magic we can do for Kouame to be available come November 27 by all means we’re gonna take it,” ani Gregorio sa 2OT na iprinisinta ng Smart.

 

Kasama si Kouame sa 16-man Gilas Pilipinas pool na isinumite ng SBP sa FIBA.

 

Kung hindi man ito ma­kaabot sa qualifiers sa Bahrain, nais itong ihanda ng SBP sa mga susunod na window ng FIBA tournament gayundin sa prestihiyosong FIBA World Cup na itataguyod ng Pilipinas sa 2023.

 

Dumating na rin sa Calamba si Kobe Paras ng University of the Philippines matapos makumpleto ang kanyang dental procedure.

 

Kasama nina Paras at Kouame sina Isaac Go, Rey Suerte, Allyn Bulanadi, Jaydee Tungcab, Dwight Ramos, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana, Kemark Carino, Juan Gomez de Liaño, Javi Gomez de Liaño, Mike Nieto at Matt Nieto.

Other News
  • PAALALA SA KAPISTAHAN NG STO NINO SA TONDO

    PINAALALAHANAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang  simbahan at mga residente hinggil sa pagdiriwang ng Kapistahan naman ng Poong Sto. Nino de Tondo.   Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, ipagbabawal muna ang anumang  aktibidad na gagawin sa labas ng Sto. Nino de Tondo Parish .   Papayagan  naman ang  pagsasagawa ng mga misa basta’t masusunod […]

  • PBBM, ipinag-utos sa DPWH na lutasin ang problema sa pagbaha sa NLEX sa Gitnang Luzon

    KASUNOD nang pagbisita sa mga lugar na binaha sa Bulacan at Pampanga, inatasan ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  ang  Department of Public Works and Highways (DPWH) na kaagad na gumawa ng aksyon kaugnay sa mga alalahanin  ng mga residente partikular na sa pagbaha sa mga kalsada tungo sa mga lalawigan.     Sinabi ni […]

  • BEST tankers hakot pa ng 4 golds sa Japan

    HINDI maawat ang Behrouz Elite Swimming Team (BEST) na humakot pa ng apat na gintong medalya tampok ang tatlong ginto mula kay Kristian Yugo Cabana sa pagpapatuloy ng 2024 Buccaneer Invitational Swimming Championships na ginaganap sa St. Mary’s International School swimming pool sa Tokyo, Japan.     Walang nakatibag sa Lucena City pride na si […]