Mahigit 9K balota para sa local absentee voting, naisumite na sa Comelec
- Published on May 4, 2022
- by @peoplesbalita
AABOT na sa mahigit 9,105 nakumpletong balota para sa local absentee voting ang natanggap ng Commission on elections (Comelec).
Ang partial reports sa bilang ng accomplished ballots para sa local absentee voting na natanggap ng Reception and Custody Units ay mula sa Philippine Army (926), Philippine Air Force (1,731, Philippine National Police (3,929) DepEd (522), BJMP (510), BFP (15), Media (809), Comelec (586), DILG (3) PCG (73), DFA (1) habang inaantay pa sa ngayon mula Philippine Navy.
Maaalala na isinagawa ang local absentee voting para sa May 2022 elections mula Abril 27 hanggang 29.
Sa ilalim ng LAV, pinapayagang makapag-avail ng local absentee voting na hindi makakaboto sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9 dahil sa kanilang trabaho ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno, personnel ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police gayundin ang mga miyembro ng media at technical at support staff.
Ito ay sa kondisyon na sila ay rehistradong botante, hindi deactivated ang registration status at hindi makakaboto sa lugar kung saan sila ay rehistrado dahil sa kanilang election duties. (Daris Jose)
-
Sa kanyang first movie na musical pa: CASSY, aminadong sobrang na-challenge sa mabibigat na eksena
SI Cassy Legaspi na gumanap bilang si Ingrid, na biktima ng sexual harassment ng kanyang male teacher sa ‘Ako Si Ninoy’, ang pelikula ni direk Vince Tañada na mula sa Philstagers Films. Tinanong namin si Cassy kung ano ang masasabi niya na sa maagang stage ng kanyang career at una niyang pelikula ay […]
-
Mister na wanted sa multiple heinous crimes sa Valenzuela, tiklo
LAGLAG sa selda ang isang lalaki na wanted sa multiple heinous crimes matapos masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban na nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan sa Paso […]
-
Kaligtasan ng pasahero, rider ¬titiyakin sa motorcycle taxis law
SISIGURUHIN umano na ligtas ang mga rider at mga pasahero bukod sa mananatiling mababa ang bilang ng mga naaksidente kapag nagkaroon ng batas na gagawing legal at magkokontrol sa motorcycle taxis sa bansa. Sa naunang pagdinig ng Senate Committees on Public Services and Local, tumutok ang diskusyon sa training, skills at kaalaman ng […]