• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 sa 4 na close contact ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12, negatibo; 1 nakaalis na ng bansa

NATUKOY na apat lamang ang close contact sa Quezon City ng unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12.

 

 

Nilinaw ni Dr. Rolly Cruz, head of the City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) ang reports hinggil sa 9 na residente na nagkaroon umano ng contact sa 52 anyos na dayuhang mula sa Finland na nakumpirmang nagpositibo sa omicron subvariant.

 

 

Aniya, apat lamang ang nakasama ng Finnish national sa seminar na kanilang dinaluhan sa lungsod ng Baguio.

 

 

Tatlo dito ang nakaquarantine na at negatibo na sa COVID-19 habang ang isa naman sa mga close contact ay napaulat na umalis na ng bansa kasama ng Finnish national.

 

 

Maaalala na dumating sa bansa ang fully vaccinated na dayuhan mula Finland noong Abril 2. Nagtungo ito sa isang unibersidad sa Quezon City saka bumiyahe patungong Baguio city para magsagawa ng seminars.

 

 

Sa isinagawang contact tracing ng local epidemiology and surveillance unit sa baguio, nasa 9 na asymptomatic close contacts ang natukoy, dalawa dito ay negatibo na sa COVID-19.

 

 

Matapos makumpleto ang 7 day quarantine at makarekober sa sakit, bumalik ito sa finland noong Abriil 21.

Other News
  • Suplay ng isda sa Holy Week, sapat – BFAR

    TINIYAK ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na sapat ang suplay ng isda sa panahon ng Semana Santa.   Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, kumpiyansa ang kanilang hanay na sapat ang suplay ng isda dahil binuksan na ang periodic closure sa pangi­ngisda sa ilang lugar.   “Dahil nasa peak season tayo ngayon […]

  • Tinawag na ‘accla ng taon’ ng netizens: BENJAMIN, ‘di inakala na katutuwaan ang role niya bilang Basil

    ALIW na aliw si Benjamin Alves sa mga comments sa pagganap niya bilang Basil Palacios sa ‘Widows’ War.’     Tinatawag ng maraming netizens si Basil na “Accla ng taon” dahil sa pagiging fake, manipulative, blackmailer at ang hangad niyang mapatay ang misis niyang si George played by Carla Abellana.     Hindi nga raw inakala […]

  • Pacquiao, ginulat ang mundo na ‘done deal’ na ang August fight vs undefeated champ Errol Spence

    Binulabog ni Senator Manny Pacquiao nitong Sabado ng madaling araw (afternoon in US) ang mundo ng boxing nang ianunsiyo niya sa pamamagitan ng kanyang social media account ang laban kontra sa undefeated welterweight champion na si Errol Spence.     Ang unified welterweight championships ay gaganapin sa August 21 nitong taon sa Las Vegas.   […]