• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDU30, tuluyan nang tinuldukan ang E-sabong

TULUYAN nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang E-sabong kasunod ng reKOmendasyon ni Interior Secretary Eduardo Año.

 

 

“The recommendation of Sec. Año is to do away with e-sabong,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes.

 

 

“And I agree with it, E-sabong will end by tonight…or bukas,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, nagsagawa ng mahigpit na pagsusuri ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa bagay na ito.

 

 

Inatasan kasi ni Pangulong Duterte si Sec. Año na magsagawa ng survey sa industriya.

 

 

“Given its network within the local units, and gather feedback in both cities and provinces regarding its operations,” ayon sa Pangulo.

 

 

“The recommendation is on my table now, so ‘pagdating doon, basahin ko and maybe by Monday, malaman natin kung ituloy natin o hindi,” ang naging pahayag ng Pangulo nito lamang weekend nang magsagawa siya ng inspeksyon sa OFW Hospital sa Pampanga.

 

 

“‘Pag-aralan ko ‘yan ngayong gabi. I will read it all over again, and I would like to see the dimension,” pagpapatuloy nito.

 

 

Sa nasabi pa ring event, sinabi ng Pangulo na dapat lamang na ipagpatuloy ang operasyon ng E-sabong sa ilalim ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), para sa isang ahensiya upang magkaroon ng centralized data ukol sa gaming operations.

 

 

“Sabi ko sa kanila it must be under PAGCOR. Lahat ng sugal dito sa Pilipinas PAGCOR kasi may control ako. Isang opisina lang tawagan ko kung meron ba nito o wala at anong nangyari dito, so I can have an answer without going to different offices to ask,” anito.

 

 

Samantala, agad nang ipasasara ngayong araw ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng iba’t ibang klase ng operasyon ng E-sabong sa Pilipinas.

 

 

Ito ay matapos na ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatigil ng naturang sugal na talagang talamak ngayon sa bansa.

 

 

Ipinahayag ni DILG Usec. Jonathan Malaya na ang kautusan na ito ng pangulo ay immediately executory at ngayon ay inatasan na rin aniya ni DILG Sec. Eduardo Año ang Philippine National Police (PNP) at ang lahat ng local goverment unit (LGU) upang agad na ipatupad ito sa iba’t ibang panig ng bansa.

 

 

Kabilang aniya sa mga operasyon na kanilang agad na ipatitigil ay ang mga studio live show kung saan ginagawa ang physical sabong, at mga betting station ng E-sabong.

 

 

Para kay Malaya, panahon na para ipatigil ang nasabing sugal bagama’t malaki ang natatanggap na kita ng pamahalaan dito dahil marami na aniyang nalululong dito na magdudulot lamang ng kapahamakan. (Daris Jose)

Other News
  • Petron patuloy sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga libreng sasakyan ng health workers

    Ipagpapatuloy ng Petron Corporation ang pagbibigay ng fuel subsidy hanggang June 15 sa mga sasakyan na nasa pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr) na ginagamit ng mga health workers sa panahon ng corona virus disease 2019 (Covid-2019).   Ito ay matapos ang pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon ay General Community Quarantine (GCQ) […]

  • ‘Joint Panel’ para tutukan ang smuggling, hoarding, price manipulation … Kamara bumuo ng “Quint Committee”

    BUMUO ang House of Representatives ng joint panel na binubuo ng limang komite upang tutukan ang paglaban ng mga ahensya ng gobyerno sa smuggling, hoarding, price manipulation, at iba pang gawain na humahadlang sa malayang kalakalan.   Ayon kay Speaker Romualdez, pangunahing layunin ng batas na ito ay gawing mas abot-kaya ang presyo ng pagkain […]

  • Rober Downey Jr., returning to the MCU’s Avengers movies as Doctor Doom, not Iron Man

      THERE is no Marvel Cinematic Universe without Robert Downey Jr.       The return to the MCU will be through the actor playing a version of Doctor Doom.     That much is clear, with the actor helping establish the foundation of the franchise and being one of the main stars during the […]