• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Petron patuloy sa pagbibigay ng fuel subsidy sa mga libreng sasakyan ng health workers

Ipagpapatuloy ng Petron Corporation ang pagbibigay ng fuel subsidy hanggang June 15 sa mga sasakyan na nasa pangangasiwa ng Department of Transportation (DOTr) na ginagamit ng mga health workers sa panahon ng corona virus disease 2019 (Covid-2019).

 

Ito ay matapos ang pagkakaroon ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ngayon ay General Community Quarantine (GCQ) na lamang ang ipanatutupad sa National Capital Region (NCR), Central Luzon, Cagayan Valley, Calabarzon, Pangasinan, Zamboanga City, at Davao City na nagsimula noong June 1.

 

Habang ang ibang bahagi ng bansa naman ay magiging Modified General Community Quarantine (MGCQ) na lamang.

 

Ayon sa DOTr, ang libreng sakay para sa mga health workers ay nakapagbigay ng serbisyo sa mahigit kumulang na 1 million na ridership na naitala noong May 30, 2020.

 

Nagagalak naman ang DOTr sa tulong na binibigay ng Petron Corporation bilang isang katuwang ng DOTr na matatawag na isang milestone ngayon may pandemic sa bansa.

 

“Thus, the extension of fuel subsidy is a welcome development. Secretary Tugade, and the whole of DOTr, are grateful for Petron’s generosity to extend the assistance until June 15, for this will come a long way to further help our health workers, especially now that the NCR and its neighboring Regions have been placed under GCQ,” wika ni DOTrUsec Tuazon.

 

Simula pa noong April 8, 2020, ang Petron Corporation ay nagbibigay na ng libreng krudo sa mga sasakyan ng mga transport companies nakasali sa DOTr Free Ride for Health Workers Program sa Metro Manila.

 

Ang programang ito ay naglalayon na mabigyan ng transportation service ang mga health workers papunta ng mga ospital at medical communities habang ang bansa ay patuloy na lumalaban sa paglaganap ng COVID-19.

 

Ang Petron na nasa ilalim ng San Miguel Corporation (SMC) Infrastructure ay nagbibigay ng 50 liters ng krudo sa 60 na vehicle units kada araw na may total allocation na 3,000 liter kada araw.

 

Apat ang Petron refilling stations angunangnagbigay ng fuel subsidy samaga participating private bus units. Ang mga ito ay ang Petron stations sa Filinvest sa Alabang, Macapagal Blvd sa Paranaque City, East Avenue sa Quezon City, at saMandaluyong City.

 

Nagsimula nag DOTr Free Ride Service for Health Workers noong March 18, 2020 at ito ay isang collaborative effort sa pagitan ng DOTr at iba pang sangay ng pamahalaan kasama ang mga pribadong transport companies tulad ng RRGC at iba pa.

 

Kasama rin ang iba pang oil firms sa bansa katulad ng CleanFuel at Phoenix Petroleum Philippines Inc., Seaoil Philippines, at Total Philippines ang siyang nagbigay ng fuel subsidy hanggang noong May 31. (LASACMAR)

Other News
  • PhilHealth record, puno ng ‘super centenarians’ at ‘minor senior citizens?’

    Hindi napigilan ng ilang senador na mairita sa palpak na record at iba pang anomalya sa PhilHealth na lumitaw sa ikalawang araw ng pagdinig sa mataas na kapulungan ng Kongreso.   Lumutang din sa pagtatanong ni Sen. Francis Tolentino ang isyung may ilang benepisaryo na maituturing nang “super centenarian” dahil umaabot ang mga ito sa […]

  • RAP PARA LAMANG SA BAGONG BOTANTE

    LIMITADO lamang para sa mga bagong botante at transfer of registration registrants  ang inilunsad  na “register anywhere project” (RAP) ng  Commission on Elections (Comelec).     Sa  Comelec Resolution No. 10869, sinabi ng  Commission en banc na ang mga aplikasyon na ito ang  tatanggapin sa RAP booths sa limang malls sa Metro Manila.     […]

  • Maine, sumuporta at hangang-hanga sa fiance: Cong. ARJO, kakaiba ang husay sa pag-arte sa ‘Cattleya Killer’

    ISA sa mga big stars na sumuporta sa matagumpay at star-studded na blue carpet screening ng newest Amazon Exclusive crime-thriller na ‘Cattleya Killer’, last May 12 na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma Mall, ang fiancee ni Congressman Arjo Atayde na si Maine Mendoza, na tahimik lang na nanood sa taas ng sinehan.   Nagkaroon […]