Warriors nakalusot ng isang puntos vs Grizzlies, 117-116
- Published on May 5, 2022
- by @peoplesbalita
NAKALUSOT ang Golden state Warriors ng isang puntos laban sa Memphis Grizzlies, 117-116, para makuha din ang Game 1 sa hiwalay nilang game sa Western Conference NBA semifinals.
Naging susi sa panalo ng Warriors ang ginawa ni Klay Thompson na go-ahead 3-pointer sa kabila na may 36 seconds na lamang ang nalalabi sa game.
Nanguna sa diskarte ng Warriors si Jordan Poole na may career-high na 31 points mula sa bench, at nagtala pa ng playoff-best na 5 of 10 sa 3-point.
Nagdagdag naman si Stephen Curry ng 24 points at si Klay Thompson ay nagtapos sa 15 puntos.
Ang kasamahan nila na si Draymond Green ay sa first-half pa lamang ay na-eject na sa game.
Sa panig naman ng Grizzlies, si Ja Morant ang All-Star point guard at NBA’s Most Improved Player ay nagpakawala ng 34 points at 10 assists, habang si Jaren Jackson Jr. ay napantayan ang season high na anim na mga 3-pointers mula sa kabuuang career-high na 33 points.
Sa Miyerkules muling magtutuos ang magkaribal na team para sa Game 2.
-
50K jeepney drivers sa Metro Manila mawawalan ng trabaho — Manibela
POSIBLENG umabot sa 50,000 jeepney drivers sa Metro Manila ang hindi na makabiyahe at tuluyang mawalan ng trabaho sa pagsisimula ng taong 2024. Sinabi ni MANIBELA President Mar Valbuena, ito na umano marahil ang pinakamalungkot na Pasko sa hanay ng libu-libong mga jeepney drivers ngayong taon dahil bubulagain sila ng ‘jobless’ na status […]
-
Nakipagsabayan sa aktres at kay JC sa ‘366’: ZANJOE, bidang-bida sa pasadong first directorial movie ni BELA
MAGPAPASIKLABAN sa husay ng acting sina Sylvia Sanchez at ang anak niyang si Ria Atayde sa bagong offering ng Dreamscape Entertainment na Miss Piggy. If we are not mistaken, ito ang unang pagsasama sa isang teleserye ng mag-inang Sylvia at Ria, bagay na sobrang ikinatuwa ng premyadong aktres. Kwento ni Sylvia, […]
-
PBBM, oks sa panukalang lumikha ng body para tugunan ang jobs mismatch
WELCOME kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang lumikha ng private sector-led coordinating partnership para tugunan ang “jobs at skills mismatch” sa bansa. Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang Private Sector Jobs and Skills Corp. ay panukala ng Private Sector Advisory Council-Job sector Group, kung saan nakapulong ni Pangulong Marcos, araw […]