• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, oks sa panukalang lumikha ng body para tugunan ang jobs mismatch

WELCOME  kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang lumikha ng private sector-led coordinating partnership para tugunan ang “jobs at skills mismatch” sa bansa.

 

 

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na ang  Private Sector Jobs and Skills Corp. ay panukala ng  Private Sector Advisory Council-Job sector Group, kung saan nakapulong ni Pangulong Marcos, araw ng Huwebes.

 

 

“Well, if it’s private sector-led, then the data gathering function will actually be almost automatic because it’s the private sector that will say ‘These are the things we need’,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang pulong kasama ang mga business leaders.

 

 

Nauna rito, inatasan ng Punong Ehekutibo ang Department of Labor and Employment (DOLE),  Department of Education (DepEd),  Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na makipag-ugnayan sa PSAC-JSG para ihanda at itakda ang sistema sa kung paano palalakasin ang kolaborasyon para mabawasan ang “jobs at skills mismatch problem” sa mga prayoridad na sektor.

 

 

Ang paglikha ng  PSJSC ay inendorso ng mga dumalong miyembro ng gabinete.

 

 

Ang mga ito ay sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma, Secretary Arsenio Balisacan of the National Economic and Development Authority (NEDA), at Trade Secretary Alfredo Pascual.

 

 

Samantala, natuklasan sa  ginawang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS)  na 40% ng employed Filipino ay mayroong academic credentials na lampas sa kinakailangan sa kanilang trabaho.

 

 

Layon ng panukalang programa ay  ” to upgrade the skills of the Filipino workforce required by industry standards to accelerate the creation of more jobs in the country’s priority sectors. It is intended to support and align industry demands with the government’s education and skills training programs to further strengthen the labor force’s skills development efforts.” (Daris Jose)

Other News
  • Tayuan sa bus, nakasabit sa jeep bawal – MMDA

    BINALAAN ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) ang mga tsuper at operator ng mga pampasaherong bus at  jeep sa mahigpit na pagbabawal sa mga nakatayo o nakasabit na pasahero kahit na inilagay na sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).     Sinabi ni MMDA officer-in-charge and general manager Romando Artes na ito […]

  • Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

    Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.     Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.     Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.     Dahil dito […]

  • DepEd: Karamihan sa mga magulang, pinili ang modular learning para sa kanilang anak sa pasukan

    Papalo sa halos 9-milyong mga magulang ang may gusto sa modular instruction bilang alternatibong learning modality para sa kanilang mga anak para sa darating na pasukan sa Agosto 24.   Batay sa resulta ng mga nakalap ng Department of Education (DepEd) na datos mula sa Learner Enrollment and Survey Form (LESF) survey, lumabas na nasa […]