EDU, iginiit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider
- Published on May 6, 2022
- by @peoplesbalita
TAGLAY ni Vice President Leni Robredo ang malinaw at kongkretong plataporma para palakasin pa ang Philippine National Police (PNP) kapag nanalong pangulo sa halalan sa Mayo 9.
Ito ang siniguro ng aktor na si Edu Manzano sa isang video message kung saan iginiit niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng matapang na lider na magpapatibay sa sistema ng hustisya sa bansa at mangunguna sa laban ng gobyerno kontra kriminalidad at ilegal na droga.
“Kaya kailangan natin ng matapang na Presidente. Iyong malakas ang loob. Iyong kayang patibayin ang sistema ng hustisya at mas kayang palakasin pa ang mga pulis natin,” ani ni Edu.
Aniya, ipagpapatuloy ni VP Leni ang giyera kontra ilegal na droga ngunit sa makatao at wastong pamamaraan.
“Iyong itutuloy ang laban sa illegal drugs. Pero sa tama at makataong paraan. Walang inosenteng madadamay,” sabi pa ni Edu.
“Iyan ang mga siguradong plano ni VP Leni. Para sa mas malakas na Philippine National Police,” dugtong pa niya.
Ipinunto ni Edu na suporta ng mga dati at retiradong opisyal ng PNP ang kandidatura ni Robredo dahil naniiwala sila na karapat-dapat siyang maging susunod na pangulo ng bansa.
“Kaya naman maraming dating opisyal ng PNP ang suportado si VP Leni. Mga magigiting na pulis na naniniwalang si VP Leni ang karapat-dapat na lider ng bansa natin,” giit pa ng aktor.
“Kakampi niya ang kapulisan at bawat Pilipino. Kay VP Leni, magkakampi tayong lahat dahil totoo ang hustisya para sa lahat ng Pilipino,” pagtatapos niya.
***
FEELING happy si Ariella Arida dahil bida na siya sa bagong Vivamax Original movie titled “Breathe Again.”
Sa presscon ng movie last Wednesday na ginawa sa Botejyu Estancia Mall, sinabi ni Arielle na very thankful siya sa break na ibinigay sa kanya ng Viva.
Nang mabasa niya raw ang script ng “Breathe Again” ay nasabi niya sa kanya sarili na bagay sa kanya ang role ng bidang babae.
Kaya kahit na may steamy scenes, willing si Ariella to take on the role dahil feeling niya she embodies the character she is portraying sa movie.
Doing steamy scenes is not new to Miss Universe Philippines (2013) Ariella Arida, who starred in “Sarap Mong Patayin” and “More Than Blue”.
How far will she go with Tony Labrusca is something to look forward to. May mga intimate scenes sina Ariella at Tony under the sea, na kahit mahirap ang shoot, ay kinaya nilang dalawa.
Part of the challenge daw ito ng roles nilang dalawa. Kahit na mahirap ang shoot ay ini-enjoy nila dahil maganda ang view underwater.
Kasama rin sa ‘Breathe Again’ si Ivan Padilla at Jela Cuenca. Directing the film is Raffy Francisco. Streaming ito sa Vivamax on June 3.
***
ANG AQ Prime ang bagong streaming platform na nangangarap din na maging successful tulad ng Vivamax.
Naghahanda na rin sila by producing several movies na plano nilang ipalabas sa streaming platform nila.
Ang friend namin na si Dennis Evangelista ang sumulat ng script ng “Cuatro,” na unang project niya under AQ Prime.
Nag-story conference na sila noong Huwebes kasama ang stars ng movie na sina Rico Barrera, Nika Madrid, Jet Delgado at Joni McNab. Ang movie ay ididirek ni Rosswill Hilario.
Si Dennis din ang line-producer ng sarili niyang iskrip na isasapelikula.
(RICKY CALDERON)
-
Ads November 25, 2023
-
Security guard patay sa sunog sa Valenzuela
ISANG security guard ang namatay habang malubha naman ang lagay ng kasama nito matapos sumiklab ang sunog sa isang factory at warehouse sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Ang katawan ni Joselito Pelic ay nakuha mula sa natupok na factory ng Gilvan Packaging Corporation habang ang kanyang kasama na kinilalang si Nestor […]
-
Ads December 7, 2021