• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Security guard patay sa sunog sa Valenzuela

ISANG security guard ang namatay habang malubha naman ang lagay ng kasama nito matapos sumiklab ang sunog sa isang factory at warehouse sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Ang katawan ni Joselito Pelic ay nakuha mula sa natupok na factory ng Gilvan Packaging Corporation habang ang kanyang kasama na kinilalang si Nestor Purtisano, 47, ay nagtamo ng 2nd degree burn at isinugod sa East Avenue Medical Center kung saan ito ginagamot.

 

 

Ayon kay Valenzuela Fire Marshall Supt. Marvin Carbonell, ang sunog na hindi pa malaman ang pinagmulan ay sumiklab dakong alas-4:41 ng madaling araw sa warehouse ng Stronghand Inc, isang kumpanya na nakikibahagi sa manufacture at distribution ng mga bala at paputok na matatapuan sa 559, Paso de Blas West Service Road.

 

 

Sinabi pa ni Carbonell na sa kabutihang palad, ang kumpanya ay may kaunting stock ng mga kemikal at raw materials na inilaan para sa paggawa ng bala at mga paputok.

 

 

Gyunman, mabilis na kumalat ang apoy sa katabing factory ng Gilvan Packaging Corporation na may nakaimbak na mga plastic material, na nagresulta sa pagkamatay at pagkapinsala sa mga security guards nito.

 

 

Iniakyat ang sunog sa ikatlong alarma bago tuluyang idineklarang fire out dakong alas-6:32 ng umaga at tinatayang nasa P3,000,000.00 halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy. (Richard Mesa)

Other News
  • Willing na maging parte ng show pag inoperan: SAMANTHA, concerned din sa isyung hinaharap ng ‘Eat Bulaga!’

    DAHIL naging malaking bahagi si Samantha Lopez noon sa ‘Eat Bulaga!’ kung saan siya sumikat bilang si Graciaaa, kaya hiningan namin siya ng opinion tungkol sa isyung kinahaharap ng naturang top-rating noontime variety show.   “I am concerned, pero wala pa akong nakakausap sa kanila.”   Kung matuloy na may bagong programang papalit sa ‘Eat […]

  • 3 days bakunahan umarangkada na

    Sa kabila na kulang ng may 51,000 volunteers ay handa na ang gobyerno sa tatlong araw  November 29-Dec 1) na national vaccination drive na umarangkada na.     Sinabi ni National Task Force Against Covid-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na ready to roll out na ang bakunahan na tatagal hanggang Dis­yembre 1.     Mayroon […]

  • Meeting ni Sy sa PBA officials, mahiwaga

    Tikom ang bibig ni Blackwater team owner Dioceldo Sy sa detalye ng kanilang meeting ni Philippine Basketball Association (PBA)  commissioner Willie Marcial.   Tanging sinabi lang ni Sy ay “satisfied” ito matapos humingi ng paumanhin sa kanyang nasabi noong isang Linggo matapos silang  (Blackwater Elite) patawan ng parusa at multa ng PBA dahil sa pag-eensayo. […]