Utang ng Pilipinas nakapagtala ng bagong record na umabot sa P12.6T
- Published on May 7, 2022
- by @peoplesbalita
MAS lumawak pa ang utang ng gobyerno ng Pilipinas kung kaya ay nakapagtala na naman ito ng bagong record-high noong katapusan ng Marso.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagsisikap na makahiram upang palakasin pa ang kaban ng estado para sa mga gagawing hakbang sa pagbawi ng COVID-19 kasama ng mas mahinang local currency.
Sa datos ng Bureau ng Treasury (BTr) , ang natitirang utang ng pamahalaan ay umabot sa P12.68 trilyon, 4.8% o P586.29 bilyon na mas mataas sa P12.09 trilyon na naitala noong katapusan ng Pebrero 2022.
Samantala, tiniyak naman ni acting presidential spokesperson Martin Andanar na gamitin ng mahusay at epektibo ang outstanding debt na nagkakahalaga sa P12 trillion.
-
Skateboard legend Tony Hawk patuloy ang pagpapagaling mula sa kaniyang leg injury
MALUNGKOT na ibinahagi ni skateboarding legend Tony Hawk na ito ay nagtamo ng injury sa kanyang binti. Sa Instagram post ng 53-anyos na si Hawk sinabi nito na patuloy ang kanyang pagpapagaling. Hindi naman na idinetalye kung paano niya natamo ang injury. Nagpost din ito ng mga larawan habang […]
-
Singil sa kuryente bababa ngayong Oktubre – Meralco
MAGPAPATUPAD ang Manila Electric Company (Meralco) ng mahigit pitong sentimo kada kilowatt hour (kWh) na tapyas sa singil sa kuryente ngayong Oktubre. Ayon sa Meralco, ang overall rate para sa isang typical household ay babawasan nila ng 7.37 sentimo/kWh ngayong buwan, o magiging P9.8628/kWh na lamang mula sa dating P9.9365/kWh noong Setyembre. […]
-
PLUNDER CASE LABAN sa mga NAGPATUPAD ng NCAP
ITO ANG hiling ni Atty. Alex T. Lopez sa Ombudsman ng sampahan niya ng plunder case sila Manila Mayor Honey Lacuna at dating Mayor Francisco ” Isko Moreno” Domagoso. Ayon sa demanda ni Atty. Lopez “NCAP of the City of Manila was created via City Ordinance 8676 series of 2020 nang Vice Mayor […]