• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KASAPI NG INC, HINAMON NA MANINDIGAN SA KATOTOHANAN

HINAMON ng isang Obispo ang mga kasapi ng Iglesia ni Cristo na manindigan sa katotohanan para sa ikabubuti ng bayan.

 

 

Ito ay kasunod ng pag-endorso ng pamunuan ng INC sa kandidatura nina Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. bilang pangulo at Davao City Mayor Sara Duterte bilang pangalawang pangulo.

 

 

Ayon Novaliches Bishop Emeritus Antonio Tobias na  bagamat kilala sa bloc voting ang grupo, mahalagang sundin ng mga kasapi ang konsiyensya at ihalal ang mga kandidatong nagtataglay ng katangian ng isang mabuting lider.

 

 

“Yan naman talaga ang gawa ng INC mag-endorse; para sa akin power bloc under the clothe of religion sila so magpakatotoo sana ang INC this time yan ang challenge ko sa kanila, sundin ang konsensya,” pahayag ni Bishop Tobias sa Radio Veritas.

 

 

Apela ni Bishop Tobias sa mamamayan lalo na sa 67-milyong botante  na pagnilayang mabuti ang pagpili ng mga lingkod bayan para sa kapakinabangan ng bawat isa lalo na ang susunod na henerasyon.

 

 

Bagama’t batid ng obispo ang bloc voting ng INC naniniwala pa rin ito sa mga Pilipinong pipili ng lider na may kakayahang mamuno at may malinis na track record sa pamamahala sa bayan.

 

 

Sa datos humigit kumulang sa tatlong milyon ang mga kasapi ng INC sa buong mundo kung saan naniniwala si Bishop Tobias na hindi ito lahat rehistrado upang makalahok sa halalan o tinatayang dalawa hanggang tatlong porsyento lamang ito sa 67-milyon rehistradong botante.

 

 

Patuloy ang panawagan ng simbahang katolika na ipanalangin ang nalalapit na 2022 national and local elections upang maisagawa ito ng matapat, maayos, malinis, makatotohanan, makatarungan at pumapanig sa bayan. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Guidelines para sa online purchases ng senior citizens, PWDs tinintahan

    TININTAHAN na ang guidelines o alituntunin para sa online purchases ng senior citizens at persons with disabilities.     “Under the new guidelines, senior citizens and persons with disabilities are entitled to avail the 20% discount on the purchase of goods that are vital for their sustenance and existence,” ayon sa kalatas ng Department of […]

  • Kongreso, inaprubahan na ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase

    APRUBADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kongreso ang panukalang batas sa pasuspinde ng Philhealth premium increase o ang House Bill (HB) No. 6772.     Nakakuha ito ng 273 na boto, samantalang tatlong hindi pabor sa mababang kapulungan kung saan ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo na suspindehin ang increase ng premiums […]

  • 40 misa, idinaos para sa ’40 days’ ni P-Noy kasabay ng 12th death anniv ni Cory

    Matagumpay na naidaos ngayong unang araw ng Agosto ang 40 misa nationwide para sa 40 days ng pagpanaw ni dating Pangulong “Noynoy” Aquino.     Bukas, August 2 pa ang mismong “40th day” ni P-Noy pero una nang inihayag ng pinsan nitong si dating Sen. “Bam” Aquino na isasabay ito sa pag-alala naman sa ika-12 […]