• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP stations sa buong bansa, naka-full alert na ngayon

INANUNSYO ng Philippine National Police (PNP) na naka-full alert na ang lahat ng istasyon nito bilang bahagi ng pagsisikap na matiyak na matiwasay at payapa ang May 9 national and local elections (NLEs).

 

 

“We are all systems go. We have placed all police stations nationwide on full alert status,” ayon kay PNP chief Gen. Dionardo Carlos sa isang kalatas.

 

 

Bilang bahagi ng kanilang election security preparations, sabay-sabay na binuksan ng PNP “National Election Monitoring and Action Center” (NEMAC), at Regional Election Monitoring and Action Centers (REMACs).

 

 

Sinabi ni Carlos na ang NEMAC at REMACs ay magsisilbi bilang “mga mata at tainga” ng PNP Security Task Force NLE 2022 na magbibigay ng updated report sa lahat ng insidente na may kinalaman sa eleksyon at security activities na ginagawa ng kapulisan.

 

 

Ang mga standby forces at quick reaction teams ay naka-stationed ng 24-hour basis sa command posts ng kani-kanilang headquarters.

 

 

“We will stand strong, we will finish strong and we will perform professionally for peaceful elections. The 225,000 strong men and women of the PNP are with the Comelec (Commission on Elections) to make sure that we guard the votes of our Filipino nation. That is a commitment. And to the Filipino people, your PNP will be there in all polling centers and polling precincts to make sure that your votes will be counted,” ayon kay Carlos.

 

 

Samantala, sinabi naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa na rin sila na tiyaking secure ang halalan kasama ang kanilang police counterparts sa araw ng halalan.

 

 

“The AFP is prepared, we are ready, we have done the planning, we have done the organization, and we have set up our monitoring command centers. We are declaring ‘red alert’ by Friday so that we ensure that all AFP personnel across the country are accounted for by their commanders and ready for the election on Monday,” ayon kay AFP chief Gen. Andres Centino.

 

 

Tiniyak din nito sa publiko na ang AFP ay malakas at may kakayahan na gampanan ang kanilang mandato na i-secure ang May 9 elections. (Daris Jose)

Other News
  • ITIGIL ang MAPANG-ABUSO at HINDI MAKATARUNGANG PANININGIL ng ILANG PUNERARYA sa PAMILYA ng mga BIKTIMA ng ROAD CRASHES

    Kailan lang ay ibinalita at tinulungan ni brodcaster Erwin Tulfo ang pamilya ng isang road crash victim – isang rider ang kinaladkad ng tanker truck sa kahabaan ng Mindanao Avenue, Quezon City.     Sa gitna ng pagdadalamhati ng pamiya ay naging problema pa nila ang mataas na paniningil ng punerarya kung saan dinala ang […]

  • ‘Tiyakin na nasusunod ang social distancing sa mga kampanya sa 2022 elections’

    Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Election (COMELEC) na nasusunod ang social distancing sa mga dumadalo ng campaign rallies sa nalalapit ng 2022 elections.     Sa kanyang talk to the people nitong Lunes ng gabi, nagbabala ang pangulo sa pagkakaroon ng recontamination kapag hindi nasunod ang safety protocols ngayong panahon ng kampanya. […]

  • Successful ang direktor dahil talagang nakatatakot: JULIA, mahusay ang acting sa first horror film ni Direk BRILLANTE

    PANGUNGUNAHAN ng aktor ng FPJ’s Ang Probinsiyano na si John Arcilla ang mga honorees ng 6th Film Ambassadors’ Night’ ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).     Magaganap ito sa February 27 sa newly renovated Metropolitan Theater (MET).     Ayon kay FDCP Chairman & CEO Liza Diño- Seguerra, strictly invitational ito para […]