• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo 2022

TATAAS na sa darating na buwan ng Hunyo ang kontribusyon sa PhilHealth.

 

 

Ayon sa Philhealth, mula sa kasalukuyang 3% ay tataas na sa 4% ang sisingiling kontribusyon sa mga miyembro na kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 kada buwan.

 

 

Alinsunod ito sa Universal Health Care Law.

 

 

Sinasabing, sa susunod na buwan pa magsisimula ang paniningil ng mas mataas sa premium dahil ia-adjust pa ng Philhealth ang kanilang IT system.

 

 

Tataas dapat mula sa 3% tungo sa 3.5% ang premium, Enero noong nakaraang taon subalit sinuspinde ito dahil sa pandemya.

 

 

Pag-aaralan naman ng Philhealth kung sisingilin pa nila sa mga miyembro ang halaga ng kontribusyon na hindi nakolekta dahil sa suspensyon.

 

 

Target ng Philhealth na makakolekta ng P180 bilyong piso ngayong taon mula sa mga kontribusyon. (Daris Jose)

Other News
  • Ads April 27, 2022

  • Dahil hindi pa tapos ang buhay… GELLI, hoping pa rin sa KathNiel dahil nagkabalikan sila ni ARIEL nang mag-break

    ANG huling proyekto ni Gelli de Belen ay ang ‘2 Good 2 Be True’ ng Kapamilya Channel noong 2022.      Bida rito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na tulad ng alam na ng lahat ay hiwalay na matapos ang labing-isang taong relasyon.     Hiningan namin si Gelli ng reaksyon tungkol sa breakup […]

  • Gulo sa PWAI nasa AWF na

    UMABOT na rin pala ang alingasngas sa Philippine Weightlifting Association, Inc. (PWAI) sa nakabase sa Doha, Qatar na Asian Weightlifting Federation (AWF).   Ito ay ang kawalang eleksiyon sa National Sport Association ng ‘Pinas sapul noong taong 2016 at basta na lang pinalitan ito ng bagong pangalan.   Si PWAI board member Felix Tiukinhoy Jr. […]