• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, bumoto na sa kanyang hometown sa Davao City

BUMOTO na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa national at local elections mula sa kanyang hometown sa Davao City.

 

 

Bumoto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Precinct 1245-A, ng alas- 4:45 ng hapon.

 

 

Nananatili naman ang posisyon ng Pangulo na hindi mag-endorso ng kahit na sinumang presidential candidate bilang kanyang successor.

 

 

Nagpahayag lamang siya ng kanyang suporta sa kanyang anak na si  Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, tumatakbo bilang bise-presidente at ilang Senate hopefuls.

 

 

HIndi naman in-endorso ng Pangulo ang running mate ng kanyang anak na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., tumatakbo sa pagka-pangulo.

 

 

Gayunman, bilang pangulo ng  PDP-Laban party ay suportado nito ang tambalang Marcos and Duterte-Carpio.

 

 

Si Pangulong Duterte, pang-16 na Pangulo ng bansa ay nakatakdang iwan ang Malakanyang sa Hunyo. (Daris Jose)

Other News
  • “Structurally complete” na ang northbound section ng Skyway Extension

    Ang northbound section ng Skyway Extension ay “structurally complete” na at ang kulang na lamang ay ang paglalagay ng aspalto na gagawin sa katapusan ng buwan.     Ito ang sinabi ni SMC president Ramon Ang sa isang pahayag na inilabas ng San Miguel Corp.     “I’m happy to announce that soon, we can […]

  • NFA, nakapaglabas na ng higit 622K bag ng bigas ngayong pandemic

    Inanunsyo ng National Food Authority (NFA) na nakapaglabas na sila ng nasa 622,683 bags ng bigas mula March 31 hanggang June 19, 2020 para sa calamity response ng local government units (LGU) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.   Ayon kay NFA assistant regional director […]

  • Ads October 11, 2023