• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

VP Leni Robredo, nanawagan sa mga supporters na igalang ang resulta ng halalan

HABANG patuloy na umaalagwa ang kalamangan ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nagpapatuloy na bilangan sa katatapos lamang na halalan, nanawagan naman si Vice President Leni Robredo sa kanyang mga supporters na igalang ang kalalabasan o resulta ng halalan.

 

 

“Alam kong mahal natin ang bansa pero hindi pwedeng maging ugat pa ng pagkakawatak-watak ang pagmamahal na ito. Palinaw na ng palinaw ang tinig ng bayan…kailangan natin pakinggan ang tinig na ito dahil sa huli, iisa lang ang bayan na pinagsasaluhan natin,”ayon kay Robredo na mayroong mahigit na 14 milyong boto sa ngayon.

 

 

Sinabi rin ni Robredo sa kanyang mga supporters na huwag nang magdamdam kung ang boto na kanyang nakuha ay malayo sa bilang na na kanilang inaasahan.

 

 

“Hindi kayang sukatin ng numero ang lalim ng pagmamahal ninyo. Maraming maraming salamat sa inyo,” ayon kay Robredo.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Robredo ang daan-daang volunteers na naguna sa malawakang people’s campaign, na nakiisa sa campaign rallies at unprecedented house-to-house drive.

 

 

“Sinasabi ko sa inyo ngayon, walang nasayang. hindi tayo nabigo. Pinakamahalaga, hindi pa tayo tapos. Nagsisimula pa lang tayo,” aniya pa rin.

 

 

“May nasimulan tayo hindi pa kailanman nasaksakihan sa buong kasaysayan ng bansa,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Tiniyak ni Robredo na magpapatuloy ang kanyang campaign battlecry “Angat Buhay Lahat”.

 

 

“Tuloy ang trabaho para i-angat ang buhay ng nasa laylayan. Tinatawag ko kayong samahan niyo ako dito at sa iba pang laban,” ayon kay Robredo.

 

 

Ang bise presidente, inakusahan ng pandaraya noong 2016 polls, ay nagpahayag na hindi naman lingid sa kanyang kaalaman na may iregularidad sa “recently-concluded elections.”

 

 

“Kaisa ninyo ako sa paniniwala na kailangan isalamin ng halalan ang buo at wasto…gagawin natin ang lahat para maabot ang layunin na ito,” ani Robredo. (Daris Jose)

Other News
  • Gilas hinihintay pa ang approval ng IATF para sa kanilang bubble training

    HINIHINTAY pa ng Gilas Pilipinas ang go-signal ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Emerging Infectious Disease na payagan silang magsagawa ng bubble training camp sa Calamba, Laguna sa buwan ng Nobyembre.   Ito ay bilang paghahanda sa pagsabak nila sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Kahalintulad din ito ng ginawa ng TNT Tropang Giga bago ang […]

  • Carlo Paalam’s Olympic win,ipinagbunyi ng mga taga- CdeO

    Ipinagbunyi mismo ni City Mayor Oscar Moreno ang panibagong panalo ng kanyang alaga na noo’y paslit pa lamang at kasalukuyan ng Olympian boxer Carlo Paalam.     Ito ay matapos nasaksihan ng alkalde kung gaano kalaki ang pag-unlad ni Carlo sa larangan ng boksing ang kabilang sa mga atletang Pinoy na patuloy nakikipag-sapalaran sa Tokyo […]

  • Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program

    HINIMOK ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maglatag ng subsidy program para maibigay ng mga employers ang 13th month pay ng mga empleyado.   Sa House Resolution 1310 na inihain ng kongresista, hinihiling nito sa pamahalaan partikular sa DOLE ang pagkakaroon ng subsidy program upang pondohan […]